Tila kumambyo si House Speaker Martin Romualdez sa kanyang posisyon sa People’s Initiative (PI) for Modernization and Reform Action matapos suspendiin ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proseso kaugnay nito.
Nilinaw ni Romualdez na ang pagpupulong para sa PI ay ginanap sa kanyang townhouse bilang pagdinig sa lahat ng posibleng panig ng mga mamamayan. Sa kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon na siya ang ulo ng malawakang bayaran para sa pangangalap ng pirma at suporta sa PI, sinabi ni Speaker na na naging tagapayo lamang siya ng mga nagsusulong ng inisyatibo.
Sa isang Comelec en banc, pinatgil ang lahat ng mga pagdinig na may kinalaman sa People’s Initiative para amyendahan ang 1987 Constitution.
“The commission en banc by a unanimous decision decided to suspend any and all proceedings concerning the people’s initiative,” sinabi kamakailan ni Comelec Chairman George Garcia.
Paglilinaw ni Romualdez: “The meeting with the People’s Initiative representatives was an exercise in this commitment. My role, as misinterpreted by some, is not as an orchestrator but as a facilitator for healthy democratic processes.”
“It is crucial to clarify that while I support the spirit of civic engagement and participatory governance, my involvement in the People’s Initiative has been purely advisory and in no way extends to mobilizing or leading their signature campaign. The initiative and its operations are entirely led and managed by the group themselves.”
Taliwas diumano sa kanyang prinsipyo ang mga ibinibintang sa kanyang pagbili ng boto at mga suporta. Nirerespeto rin daw ng Speaker ang awtonomiya ng People’s Initiative at ang kanyang paghanga para sa matalinong diskusyon upang mapaganda pa ang Saligang Batas.
Ang paglilinaw ni Romualdez ay lumutang din matapos siyang idiin ng mga kapwa mambabatas gaya nina Senador Imee Marcos, Bato Dela Rosa at Chiz Escudero na siyang pasimuno sa PI at sa bilihan ng boto at suporta.
Photo credit: House of Representatives Official Website