Inanunsyo ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa proyektong pabahay sa lalawigan.
“Affordable Housing para sa Kaprobinsiaan! We had a very productive meeting with Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) represented by USec [Lyle Nino] Pasco, ASec [Hanica Rachael Arshia] Ong, and Regional Director [Raymundo] Foronda, and our component LGUs (local government units) for plans of the DHSUD patungkol sa housing ng mga Pilipino at mga Kaprobinsiaan na wala pang bahay,” aniya sa social media.
Sa pamamagitan ng programang ito, ayon kay Ortega-David, possible na ang magkabahay dahil sa affordable options na inihanda.
“We look forward to the implementation of this project para sa mga Kaprobinsiaan!,” dagdag niya.
Noong Hulyo, sinabi ng DHSUD na isinaaktibo nito ang mga local shelter cluster team nito para magbigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa Abra at iba pang bahagi ng Luzon katulad ng La Union.
Si Assistant Secretary Melissa Aradanas, DHSUD officer in charge, ay naglabas ng department order na nag-uutos sa mga rehiyonal na tanggapan na agad na tukuyin ang mga pangangailangan ng tirahan ng mga biktima.
Sinabi rin ng ahensya na target ng administrasyong Marcos na magtayo ng isang milyong housing units kada taon upang matugunan ang mga backlogs sa pabahay sa bansa, na maaaring umabot sa 10.9 milyon sa pagtatapos ng 2028.
Photo Credit: Facebook/GovRafy