Tuesday, November 26, 2024

La Union Gov. Ortega-David Kinatawan Ang Pilipinas Sa WeGO Forum Sa Geneva

12

La Union Gov. Ortega-David Kinatawan Ang Pilipinas Sa WeGO Forum Sa Geneva

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinakatawan ngayon ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang Pilipinas sa isang forum sa Geneva, Switzerland na tumatalakay sa best practices para sa sustainable development at climate change adaptation.

Sinabi ni Ortega-David sa kanyang social media na siya ay naimbitahan ng WeGo o World Smart Sustainable Cities Organization para maging isa sa mga high-level guest speaker sa World Summit on the Information Society Forum na gaganapin mula Marso 13-17, 2023.

“We will be discussing our best practices din po and the challenges of implementing digital solutions to build resilient, inclusive and sustainable cities while focusing on climate change adaptation,” aniya.

Ipinahayag din ng gobernadora ang kanyang pagkasabik na matuto rin mula sa kanyang mga makakasama sa forum na kapwa public servant galing sa Geneva, Switzerland; Victoria, Canada; Athens, Greece; France at iba pa.

“So very exciting po. Itataas po natin ang bandila ng La Union in an international stage, and I hope na may maiuuwi po akong good news ang mga solutions na pwede po natin i-implement sa probinsya po natin para maging progressive pa po tayo. So wish me luck,” aniya.

Ang WeGo ay isang membership-based international organization ng mga lokal na pamahalaan, mga smart tech solution, at mga institusyong nakatuon sa “transformation of cities into smart sustainable cities through facilitating public-private partnerships.”

Ang WeGO ay itinatag ng 50 miyembrong lungsod noong 2010 bilang World e-Governments Organization. Pinalawak ng WeGo ang mandato nito at binago ang pangalan nito sa World Smart Sustainable Cities Organization noong 2017 upang makasabay sa patuloy na paglawak ng konsepto ng smart cities.

Ang WeGO ay nagsisilbi para sa mga miyembro nito bilang kanilang internasyonal na plataporma upang mapabuti ang kalidad ng buhay, magpabago sa paghahatid ng mga pampublikong serbisyo, at palakasin ang pang-rehiyong kompetisyon.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila