Saturday, January 11, 2025

La Union Gov. Ortega-David Namahagi Ng Maagang Pamasko

42

La Union Gov. Ortega-David Namahagi Ng Maagang Pamasko

42

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“Maraming salamat kay Governor Rafy Ortega-David sa grand prize I’m super blessed at [higit sa lahat] sila na po ang lumalapit dito sa aming municipality of Rosario.”

Ayon sa Provincial Government of La Union (PGLU) Public Information Office (PIO, ito ang nasabi ni Kimberly Galinato ng Brgy. Puzon, Rosario, La Union matapos manalo ng 50-inch LED TV sa main raffle na ginanap noong Nobyembre 28, 2022 bilang bahagi ng Paskuhang Bayan.

Sinabi ng PIO na napuno ng saya at papremyo ang paglulunsad ng Pasko mula sa Puso sa bayan ng Rosario, kung saan 500 Kaprobinsiaan ang nakatanggap ng maagang pamasko.

Dala ang saya at pag-asa, pinangunahan ni Ortega-David ang pamamahagi ng munting regalo sa mga bata at noche buena package sa mga senior citizen, person with disability at indigent family, anito.

Ipinahayag din ng PGLU na nag-alok ito ng libreng serbisyo gaya ng libreng medical at dental services, job assistance desk, free legal assistance, real property assistance, financial assistance application, free veterinary services at free seedlings. Nagkipagtulungan ang PGLU sa Pag-Ibig Fund sa mga nabanggit na programa.

Sinabi pa nito na ilang mga benepisyaryo ang nakisaya at nanalo sa mga raffle draw, mga palaro at pangkabuhayan showcase.

“Aming inilapit ang mga serbisyo ng kapitolyo sa bayan ng RosarioElyu A Happy Town! Ramdam ko ang ligaya ng mga Kaprobinsiaan natin dito at nagagalak ako na mayroon nang programa ang PGLU na gaya neto,” sinabi naman ni Ortega-David sa social media.

Bukod sa bayan ng Rosario, namahagi rin ng maagang pamasko si Ortega-David sa San Fernando City at sa bayan ng Santol.

Asahan po ninyo na hindi lamang ngayong #PaskuhangBayan pero sa susunod pa pong mga event ay dadalhin po namin ang mga serbisyo ng kapitolyo para po sa inyo,” aniya.

Nakatakda rin ang pagbisita ng gobernador sa iba’t ibang bayan ng La Union sa buong buwan ng Disyembre upang maghatid ng pamasko sa mga Kaprobinsiaan, ayon sa PIO.

“Dahil sa pakikiisa ng bawat Kaprobinsiaan sa #LaUnionPROBINSYANihan, hangad ni Gov. Rafy na iparamdam ang diwa ng pag-ibig, saya at pag-asa ngayong kapaskuhan sa probinsya na siyang magiging daan sa pagkamit ng La Union na maging Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025,” dagdag nito.

Photo Credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila