Saturday, January 11, 2025

La Union Gov. Ortega-David Namahagi Ng Sports Development Fund

3

La Union Gov. Ortega-David Namahagi Ng Sports Development Fund

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tuloy-tuloy ang suporta ng pamunuan ni La Union Governor Rafy Ortega-David sa mga kabataan at sports development sa lalawigan matapos nitong magbahagi ng P80,000 sa iba’t ibang munisipalidad.

Sa social media, sinabi ni Ortega-David na youth and sports development ang ilan sa mga pinakamahahalagang pillars niyang gusto pagtuunan ng pansin. 

“Kaya naman ngayon, lubos akong nagagalak that we are strengthening our programs for such! Nagsimula na po tayong magbahagi ng Php 80,000 Sports Development Fund each to our 11 Municipalities,” anunsyo ng gobernadora.

Umaasa rin siya na sa pamamagitan ng nasabing pondo ay mapasulong pa ng mga lokal na pamahalaan sa La Union ang kanilang mga proyekto sa larangan ng palakasan.

“Asahan po ninyo na patuloy pang lalawak ang mga programa natin para marami pang kabataan ang ating matutulungan through sports,” dagdag ni Ortega-David.

Photo Credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila