Nangako si La Union Governor Rafy Ortega-David ng tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa technical at vocational skills ng kanyang mga Kaprobinsiaan.
“Asahan niyo po na we, your Provincial Government, will continue to support projects, programs, and activities where you can refine and perfect your chosen craft! Kayo ang patunay na tayo ay tunay na world class!” anunsyo ni Ortega-David sa social media.
Ito ay matapos aniyang masaksihan ang galing at talento ng mga lokal na residente sa katatapos lang na Bael ti Lukal La Union Skills Competition sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority at Don Mariano Marcos Memorial State University.
“I am so proud to have a platform for our local talents to hone and show off their skills! Nakakabilib po kayo! Dahil sa inyong ipinamalas na galing, lahat po kayo ay panalo!” ayon sa gobernadora.
Sa isang pahayag, sinabi ng Provincial Government of La Union (PGLU) na ang “Bael ti LUkal” ay base sa salitang “Bael” o “Kabaelan” – isang terminong Ilokano na ang kahulugan ay “kakayahang gawin” at pinagsama ang LU (La Union) sa salitang “lokal” upang bigyang-diin ang mga katutubong kakayahan at talento ng mga Kaprobinsiaan.
Paliwanag pa nito, ang kompetisyon ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga kabataang indibidwal na makipagkumpetensya at ipakita ang kanilang mga kakayahan sa partikular vocational skills gamit ang task at industry-based scenarios.
“It inspires young individuals to reach new heights, helping them turn their passion into a profession. It hopes to develop competitive Filipino workers who possess world-class skills and work values and attitudes and prepare them to become globally competitive,” pagdidiin ng PGLU.
Siyam na tech-voc graduates ang nagpakita ng kanilang mga talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng kalakalan ng kompetisyon para sa World Skills Category tulad ng: Automobile Technology, Electrical Installation Technology, Welding, Cooking, at Restaurant Service.
Bukod dito, iba’t ibang tech-voc skills din ang ipinakita ng 27 tech-voc graduates sa iba’t ibang trade areas para sa Skills Demonstration Category tulad ng: Fruit Carving, Table Skirting, Bed Making for Tourism, Cake Decoration, Bamboo Weaving, Produce Organic Concoction, Computer System Servicing, Cocoon Production at Silk Weaving, Photo Voltaic System Installation (Solar), Grafting/Marcotting, Domestic Work, Refrigeration at Servicing, Carpentry, Blacksmithing, at Handloom Weaving, ayon sa PGLU.
Ang mga nanalo sa iba’t ibang skills competition ang kakatawan sa probinsya sa regional competition.
“The PGLU continues to cultivate home-grown talents with world-class abilities in order to promote youth empowerment and livelihood development, as well as to form a strong partnership with stakeholders in order to achieve sustainable and inclusive development,” pagtitiyak ng PGLU.
Photo credit: Facebook/LGUlaunion