Pinangunahan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang ceremonial groundbreaking para sa itatayong Bauang Farmer’s Civic Center.
“A new project is on the works – that is the Bauang Farmer’s Civic Center kung saan tayo ay naimbitahan para sa ceremonial groundbreaking nito. It is truly an honor to witness a project come into fruition because of our collective efforts,” aniya sa social media.
Dagdag ni Ortega-David, naglaan ang kanyang pamumuan ng P60 milyon mula sa Provincial Government of La Union o PGLU Fund para makatulong sa pagpapatayo po ng nasabing Civic Center. P20 milyon naman ay nanggaling opisina ni Senador Sonny Angara. Habang ang ibang kulang na pondo ay galing sa Munisipalidad ng Bauang, La Union.
“I am excited to see how our Kaprobinsiaan will thrive through our civic center. Marami pa po akong magagandang plano in flourisihing our province! Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa akin, Mayor Eulogio Clarence Martin De Guzman III and Vice Mayor Henry Bacurnay Jr.!,” aniya.
Ayon sa Munisipalidad ng Bauang, ang bagong Farmers Civic center ay magkakaroon ng 1017 seating capacity.
Photo credit: Facebook/GovRafy