Saturday, January 11, 2025

La Union Gov. Ortega-David Nanguna Sa Medical At Dental Mission

12

La Union Gov. Ortega-David Nanguna Sa Medical At Dental Mission

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinangunahan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang ginanap na medical at dental mission sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Sudipen – ang Barangay Maliclico.

“Malayo man o mahirap abutin, walang makakapigil sa atin! Dala po natin ang PGLU Team para magbigay ng ating mga serbisyong medical at dental para sa ating Kaprobinsiaan,” aniya sa social media.

“It was a fun-filled day! Sabi nga po nila ako daw po ang unang Governor na nagpunta sa kanilang barangay,” dagdag ni Ortega-David.

Aniya, ang pagbibigay ng medical at dental services ay isa sa mga commitment niya simula ng maupo siya bilang gobernador ng La Union. 

“[K]aysa kayo ang lalapit sa Provincial Capitol, ay kami po mismo ang magdadala ng mga serbisyo ng kapitolyo sa inyo,” dagdag ni Ortega-David.

Sinari rin ng gobernador na hindi niya malilimutan ang pagbisita sa Barangay Maliclico at nagpasalamat din siya kay Sudipen Mayor Wendy Joy D. Buquing sa walang sawang pagsuporta sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila