Monday, January 13, 2025

La Union Gov. Ortega-David: ‘PROBINSYAnihan Para Sa Ating Kalikasan,’

9

La Union Gov. Ortega-David: ‘PROBINSYAnihan Para Sa Ating Kalikasan,’

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagkasundo ang Provincial Government of La Union (PGLU) sa pamumuno ni Governor Rafy Ortega-David, at La Union Province Parole and Probation Office (LUPPO) para isulong ang ecological integrity at malinis at malusog na kapaligiran sa lalawigan. 

Ang partnership ay pinatibay sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng magkabilang partido noong Mayo 3, 2023, sa La Union Provincial Capitol lobby sa San Fernando City.

“It is so exciting to have a MOA that promotes environmental protection and preservation.

With this MOA, LUPPO can conduct various planting activities para sa mga parolees or probationers natin. I look forward to your activities in the future!” binigyang-diin ni Ortega-David sa social media.

Bilang bahagi ng #KalikasanNaman Campaign ng PGLU, sinabi ng provincial government na sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ng forest native seedlings at isang 2-ektaryang lote na matatagpuan sa loob ng Damortis Provincial Nursery sa LUPPO para sa seedling propagation at enrichment planting activities para sa kanilang mga parolado o probationer. 

“This partnership between the PG-ENRO (Provincial Government Environment and Natural Resources Office) and LUPPO highlights the importance of #LaUnionPROBINSYAnihan in achieving a common goal for the betterment of the environment and community.”

Bukod dito, sinabi ng PGLU na pinahihintulutan ng kasunduan ang LUPPO na magsagawa ng iba’t ibang planting activities para sa kanilang mga parolado o probationer, na nagtataguyod ng environmental protection at preservation.

Ipinahayag din ni Ortega-David ang kahalagahan ng sama-samang pagsisikap sa pangangalaga ng kalikasan. Binanggit din niya na ang pangangalaga sa kapaligiran ay isang constitutional duty ng lahat.

“The PGLU continues to show its unwavering commitment to environmental sustainability and protection as it becomes the Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025,” dagdag ng provincial government.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila