Pinarangalan si La Union Governor Rafy Ortega-David ng prestihiyosong Stakeholder Award para sa kanyang walang tigil na suporta sa Philippine Artillery na nagdiwang kamakailan ng kanilang 125th Founding Anniversary.
Matatandaang nanumpa noong Oktubre si Ortega-David bilang kasapi ng Multi-Sector Advisory Board (MSAB) ng Army Artillery “King of Battle” Regiment, Philippine Army (AAR). Sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok, epektibo niyang kinatawan ang mga boses ng kababaihan at kabataan.
“As a young and woman governor, it is truly an honor to be part of the advisory board and represent the women and youth. Asahan po ninyo that I’ll continue to fulfill my duties in bringing progress to the Army Artillery Regiment and the Province of La Union,” aniya sa social media.
Sa pinakabagong tagumpay na ito, tiniyak ng gobernadora sa lahat ang kanyang patuloy na pagtupad sa kanyang mga tungkulin at sa pagpapa-unlad ng Army Artillery Regiment at ng La Union.
Photo credit: Facebook/Gov Rafy