Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa mga magsasaka matapos nitong magbahagi ng kabuuang P8.3 milyon sa isang programa ng National Food Authority (NFA), ayon kay Governor Rafy Ortega-David.
“Hope for our La Union Farmers! We have awarded the National Food Authority (NFA) represented by NFA- La Union Branch Manager Frederick B. Dulay, a total amount of PHP8.3 Million through Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU),” anunsyo niya sa social media.
Ayon sa NFA, ang PALLGU ay layong bigyang-daan ang mga magsasaka ng palay na mapakinabangan ang kanilang kita. Sa ilalim ng nasabing programa, tinutulungan rin ng NFA ang mga mambabatas at lokal na pamahalaan sa paghahanap ng makukunan ng palay para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupang magsasaka.
Ang NFA ay bibili ng palay stocks mula sa mga magsasaka o mga farmer organization (FO) sa ilalim ng regular na procurement program nito. Gayunpaman, ang presyo ng palay na babayaran sa magsasaka o FO ay nasa NFA support price kasama ang premium na halaga na ibibigay ng mga mambabatas o lokal na pamahalaan.
“Dito sa La Union, we appreciate and value our local farmers as they are a great part in our vision to become the Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025. Kaya naman Kaprobinsiaan, patuloy nating suportahan at tulungan ang ating mga lokal na magsasaka,” dagdag ni Ortega-David.
Sa isang pahayag, sinabi ng Public Information Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union na isa sa mga patuloy na aktibidad ng Office of the Provincial Agriculturist nito ay ang paghahanda ng La Union Agriculture and Fishery Modernization Plan 2023-2028.
Sa kabilang banda, binigyang-diin naman ni Ortega-David ang pagpapatuloy na pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan bilang pagsunod sa bisyon ng lalawigan, na ang La Union ay maging “Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon” sa 2025.
Ayon sa lalawigan, ang mga aksyon at hakbangin na ito ay naaayon sa layunin nitong bigyang kapangyarihan ang mga sektor ng agri-fishery at lahat ng magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
“With this, PGLU continues to encourage all Kaprobinsiaan to unite and heed the call for #LaUnionPROBINSYAnihan as La Union embodies its mission of being the catalyst for sustainable and inclusive development that improves the quality of life of the people,” dagdag nito.
Photo credit: Facebook/GovRafy