Thursday, November 21, 2024

LAGAPAK SA TEST OF CHARACTER? VP Sara, Sinupalpal Ni Acop!

1281

LAGAPAK SA TEST OF CHARACTER? VP Sara, Sinupalpal Ni Acop!

1281

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang “test of character” ang naging reaksyon ni Vice President Sara Duterte tungkol sa mga batikos laban sa kanya, ayon kay Antipolo 2nd District Representative Romeo Acop. 

Sa isang press briefing, sinabi niya na ang galit ng bise sa harap ng media ay patunay ng lamat sa kanyang pagkatao at nawawalan na siya ng disiplina.

Saad ng mambabatas, dahil sa magtinding galit minsan ay nawawalan na ng sense of decency ang isang tao. Sa kasamaang palad, aniya, tila nasapawan ng galit ni Duterte ang kanyang karakter. 

“And sometimes, how you manage the hate in your body and attacks against you, it’s also a test of your character … So in the case of the VP, it seems that a flaw in her character is coming out because her character is overwhelmed by her anger,” ani Acop. 

Ang matinding pahayag ng bise presidente ay tila diversion lamang, ayon sa mga mambabatas, upang maiwasan ang mga isyung ibinato laban sa kanyang tanggapan—lalo na ang paggamit ng confidential fund (CF) ng Office of the Vice President (OVP) para sa pag-upa ng 34 safe houses na nagkakahalaga ng P16 milyon sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.

Si Acop din ang nagtanong sa Commission on Audit (COA) kung tugma ang 34 acknowledgment receipts na ibinigay ng OVP para sa paggamit ng mga safe houses noong 2022. Sa una’y hindi ito makumpirma ng COA audit team leader na si Gloria Camora, pero bandang huli, inamin na may impormasyon ukol dito. 

Nagtanong din ang mga mambabatas tungkol sa uri ng safe houses na ginamit, lalo na’t isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng P500,000 para sa 11 araw lamang—mas mahal pa sa mga luxury hotels sa bansa.

Samantala, imbes na sagutin ang mga isyu tungkol sa pondong ginamit, inuna ni Duterte sa kanyang press briefing noong Biyernes ang pagbabalik-tanaw sa kanyang landas patungo sa pagka-bise presidente. Ibinahagi rin niya na tinutulan ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang pagtakbo bilang pangalawang pangulo.

Inupakan pa ni Duterte ang kanyang mga dating kaalyado, kasama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating campaign manager na si House Speaker Martin Romualdez. Ipinahayag niya na ang mga alegasyon laban sa Department of Education ay hindi sapat para patunayan na nagkaroon ng maling paggamit ng pondo. Aniya, sinusubukan lamang ng mga mambabatas na palalabasing maling nagamit ang mga CF upang sirain ang kanyang reputasyon. 

Ngunit, sinabi ni Acop na hindi magpapapigil ang Kamara sa imbestigasyon ukol dito.

 Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH, Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila