Inilabas sa publiko ng Pahayag First Quarter survey ang pagbaba ng approval ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, samantala, ang ratings naman ni Bise Presidente Sara Duterte ay nanatiling matatag.
Isinagawa ang Pahayag 2023 First Quarter poll noong ika-2 at ika-6 ng Marso 2023, at lumabas dito na mula sa 64% ay bumaba ang performance ni Marcos bilang chief executive sa 60% sa nagdaang quarter noong nakaraang taon. At nanatili naman ang kaniyang trust ratings sa 57%.
Samantala, matatag sa 67% approval rating ni Duterte, at 63% sa trust rating.
Ilan pa sa mga nanatili rin ang approval rating ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri na may 47% approval rating at 38% na trust rating. Si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na may 42% approval rating at 33% trust rating. Si Chief Justice Alexander Gesmundo sa 39% approval rating at 32% trust rating.
Nangunguna pa rin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang may pinakamataas na approval rating na 73% sinundan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may 69%, at Department of Tourism na may 68%.
Pang apat ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may 67%, Department of Science and Technology (DOST) 66%, Department of Education (DepEd) 65%, Department of Social Welfare and Development (DSWD) 64%, Commision on Higher Education 63%.
Ang TESDA pa rin ang pinaka pinagkakatiwalaang institusyon na may 60% trust rating, AFP sa 60%, BSP sa 55%, DepEd sa 54%, DOST sa 53%, DOT sa 52%, at DSWD sa 51%.
Ang Pahayag ay CSR program ng PUBLICUS Asia Inc. na isang independent at non-commissioned national survey na may 1,500 registered Filipino voters.