Monday, November 25, 2024

Lapid Isinulong Ang Karagdagang Benepisyo Para Sa Barangay Healthcare Workers

12

Lapid Isinulong Ang Karagdagang Benepisyo Para Sa Barangay Healthcare Workers

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isinusulong ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang pagpapatupad ng Senate Bill (SB) No. 1911 o ang “Magna Carta of Barangay Health Workers” bilang solusyon sa kulang na bayad at benepisyo para sa mga Barangay Healthcare Workers (BHWs).

Ayon sa kanya, ang SB No. 1911 ay nais bigyang-pansin at suportahan ang mahalagang papel ng mga BHWs sa pagbibigay ng serbisyo sa mga komunidad. Dagdag ni Lapid na ang panukala ay makakatulong para magbigay ng mas mabuting health coverage sa mga barangay.

“Napakalaki po ng papel na ginagampanan ng ating mga Barangay Healthcare Worker sa ating health care system. Sila po ay nagbibigay ng napakahalagang serbisyo sa ating mga kababayan, lalo na sa mga liblib at mga lugar hindi regular na naseserbisyuhan ng ng ating mga government healthcare facilities. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kritikal na tungkulin, patuloy silang nagdurusa mula sa mababang sahod, kakulangan ng mga benepisyo, at hindi sapat na suporta mula sa gobyerno,” aniya sa isang pahayag.

Ang Magna Carta of Barangay Health Workers ang naglalayong bigyan ng solusyon ang mga isyu na kinakaharap ng mga BHWs sa pamamagitan ng karagdagang mga health benefit, incentive, libreng edukasyon, at training program. Ayon kay Lapid, ang panukala ay makakabuti sa mga BHWs at sa kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan.

“Ang ating iminungkahing Magna Carta ng Barangay Health Workers ay naglalayong tugunan ang mga isyung ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang health benefits, maayos na kompensasyon, insentibo, libreng edukasyon, at patuloy na mga programa sa pagsasanay para sa ating mga BHW. Layunin rin nito na pagbutihin ang katayuan ng ating mga BHW sa pamamagitan ng pagsisiguro na natatanggap nila ang pagkilala at suporta na nararapat sa kanila para sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa ating lipunan,” aniya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila