Monday, January 20, 2025

Libreng Master’s Degree! Isinusulong Ni Sen. Jinggoy Para Sa Mga Gov’t Employees

0

Libreng Master’s Degree! Isinusulong Ni Sen. Jinggoy Para Sa Mga Gov’t Employees

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain si Sen. Jinggoy Estrada panukala para gawing libre ang tuition ng mga government employees na kumukuha ng Master’s (MA) Degree sa State Universities and Colleges (SUCs). 

Ang kaniyang Senate Bill No. 2277 o ang “Government Employees Free MA Tuition in SUCs Act,” ay naglalayong magbigay sa career at non-career government employees ng oportunidad na ituloy ang two-year Master’s Program sa mga SUC nang walang binabayarang matrikula. 

“Ang mga kawani ng gobyerno ay may mahalagang papel sa human resources ng bansa kaya’t importante na mabigyan sila ng mga oportunidad na maitaas ang antas ng kanilang edukasyon at kasanayan. Sa pagpapahusay ng propesyonalisasyon ng mga empleyado ng gobyerno, mas magiging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa publiko,” pahayag ni Estrada.

Ayon pa sa kanya ay mayroon nang mga ahensya na nagbibigay ng scholarship grants sa mga qualified employees na kumukuha ng MA degree, tulad ng Department of Social Welfare and Development at Presidential Communications Office. 

“Maraming empleyado sa ibang sangay ng gobyerno ang nagnanais na magpatuloy ng kanilang edukasyon para mapahusay ang kanilang personal na paglago, maisulong ang pag-angat sa kanilang karera at makapaglingkod sa publiko nang mas epektibo,” dagdag pa ng mambabatas. 

Nabanggit din ni Estrada na mayroong mga matataas na posisyon sa gobyerno ang nangangailangan ng mga kawani na may MA degree upang matiyak na sila ay nagtataglay ng kinakailangang kapasidad at kompetensya para maisakatuparan ang kanilang mga  responsibilidad at makagawa ng naaayon na desisyon para sa kanilang organisasyon. 

Ang gastusin ng MA degree ay naglalaro mula sa P800 hanggang P1,500 bawat unit, o nagkakahalaga ng P19,000 hanggang P50,000 na matrikula upang makakumpleto ng 24-unit program. Hindi pa kasama rito ang iba pang mga kaakibat na bayarin upang matapos ang naturang programa. 

Para sa kwalipikasyon, ang mga non- career contractual government personnel ay dapat na nasa serbisyo ng hindi bababa sa limang taon at pumasa sa entrance examination at iba pang admission at retention requirements ng SUCs. Hindi na kwalipikado ang mga nakatanggap na noon ng government-sponsored graduate education scholarships sa anumang higher education institution, pampubliko man o pribado, sa loob o labas ng bansa. 

Madidisqualify naman ang mga mabibigong matapos ang kanilang MA degree sa loob ng prescribed period ng kanilang graduate education program. 

Mayroon nang kabuuang 1,820,457 na career at non-career employees sa gobyerno, ito ay batay sa Inventory of Government Human Resources of the Civil Service Commission noong Hunyo 30, 2022. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila