Saturday, January 11, 2025

Libu-libong Mag-aaral Apektado Sa Mababang Pondo Ng Higher Education – Gatchalian

3

Libu-libong Mag-aaral Apektado Sa Mababang Pondo Ng Higher Education – Gatchalian

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni Senador Win Gatchalian pagsisikapan niya na madagdagan ang pondo para sa mga programa ng higher education sa susunod na taon upang hindi mapagkaitan ng libreng edukasyon at tulong pinansyal ang mga kwalipikadong mag-aaral.

“Kaisa ninyo ako sa pagtiyak na ang ating mga mag-aaral ay nakakapag-aral at ang diwa ng free higher education law ay ganap na ipinatutupad. Sa kasamang palad, 226,000 na mga mag-aaral ang napagkakaitan ng edukasyon dahil hindi nakapaglaan ng dagdag na pondo ang pamahalaan,” pahayag ni Gatchalian habang dinidinig ng Senate Committee on Finance ang panukalang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) at State Universities and Colleges (SUCs).  

Ito ay matapos ibahagi ni CHED Chairperson J. Prospero De Vera III na may humigit kumulang na 379,000 na mga kwalipikadong aplikante ng Tertiary Education Subsidy (TES) ang hindi nakatanggap ng tulong pinansyal dahil sa kakulangan ng pondo. 

Mahigit dalawang daan o 226,000 rito ang naka-enroll sa mga pribadong paaralan at nanganganib na matigil sa pag-aaral. Sinabi rin ni De Vera na mahigit sampung bilyong piso ang kailangan upang mapondohan ang 226,000 na bilang ng mga mag-aaral. 

Ang TES ay nagsisilibing tulong pinansyal sa mga gastusing may kinalaman sa edukasyon, kabilang ang mga aklat, transportasyon, board and lodging, at allowances sa mga disability-related expenses.

Sinabi pa ng CHED chairman na wala ring pondong nakalaan sa mga benepisyaryo ng TES sa ilalim ng “Listahan 2.0” sa Academic Year 2023-2024. Ang Listahan 2.0 ay isang information management system kung saan nakatala ang mga pinakamahirap na pamilya at kung saan sila matatagpuan.

Tiniyak rin ni Gatchalian sa CHED na tutulungan niya ang ahensyang magkaroon ng sapat na pondo para sa libreng kolehiyo ng anim na Local Universities and Colleges (LUCs) na kamakailan ay pinagkalooban ng institutional accreditation. 

Bagama’t pormal nang nabigyan ng accreditation ang mga LUCs na ito, nababahala ang CHED na walang tiyak na pondo para sa reimbursement ng tuition and miscellaneous fees. Kinakailangan ang 200 milyong piso upang makatanggap ng libreng kolehiyo ang tinatayang 17,000 mga mag-aaral sa mga LUCs na ito.

Isa si Gatchalian sa mga may akda at co-sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931) o ang Free Higher Education Act, kung saan nakasaad na ang mga mag-aaral sa SUCs at LUCs ay hindi na magbabayad ng tuition at miscellaneous fees.

Photo Credit: Senate website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila