Saturday, January 11, 2025

Litong-Lito Na! Sen. Binay: NAIA, Ayusin Muna Bago Palitan Ang Pangalan

15

Litong-Lito Na! Sen. Binay: NAIA, Ayusin Muna Bago Palitan Ang Pangalan

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binabatikos ni Senador Nancy Binay ang panibagong panawagan na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at pinapayuhan ang gobyerno na sa halip ay ituon ang oras nito sa mga kinakailangang renovation sa nasabing paliparan.

“Siguro bago natin pag-usapan ang pagpapalit ng pangalan ay tutukan muna natin ang pag-aayos ng NAIA. First step itong na-award na, and hopefully within a year ay may makikita na tayong improvement pagdating dito sa ating airport,” aniya.

Dagdag ni Binay, ang usapin ng pagpapalit ng pangalan ay hindi pa napapanahon, at hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon. Nagbabala rin siya na na malilito ang mga turista sa palgiang pagpapalit ng pangalan ng airport, at ipinaalala sa lahat na ito ay nangangailangan ng tamang historical vetting process, hindi isang impulsive political move.

Matatandaang noong Hunyo 2022 ay naghain ng panukalang batas si expelled Rep. Arnolfo Teves Jr. na naglalayon na isunod ang pangalan ng NAIA sa ama ni Pangulong Bongbong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Samantala, ipinaalala ni Binay sa lahat na ang kasalukuyang pangalan ay hindi basta basta lamang pinagdesisyunan ni dating Pangulong Corazon Aquino. “Remember ang ganyang mga [name change], may ano ang National Historical Commission. Kumbaga dumaan naman yan sa proseso bago napalitan ang pangalan at naging Ninoy Aquino International Airport,” paliwanag niya.

Photo credit: Facebook/MIAAGovPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila