Saturday, January 11, 2025

‘Look Who’s Talking?’ Hamon Ni Rep. Dalipe, Pinaulanan Ng Batikos Ni Sen. Chiz

42

‘Look Who’s Talking?’ Hamon Ni Rep. Dalipe, Pinaulanan Ng Batikos Ni Sen. Chiz

42

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binatikos ni Senador Chiz Escudero ang hamon ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na ipahayag sa publiko ang kanilang posisyon hinggil sa mga amyenda sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Ayon sa kanya, ang pahayag ni Dalipe ay isang classic case ng, “the pot calling the kettle black.”

Ibinalik din ni Escudero ang hamon at sinabing dapat ihayag ni Dalipe at ng kanyang mga kasama ang kanilang papel sa tinatawag na “pekeng” kampanya ng people’s initiative. “Why don’t they come out in the open, be accountable and admit to the public that they are truly the ones behind this pekeng People’s Initiative instead of doing a striptease?,” aniya.

Patuloy na birada ng senador, “Noong una, sinasabi nila ‘wala kaming kinalaman dyan’ then, sumunod na sinasabi na sila ay ‘facilitator but not orchestrator…’ and now, they have the nerve to say ‘titigil namin ang PI pag pinasa nila ang RBH6.'”

Pinayuhan din niya ang Kamara na sundin ang sinabi ng kanilang Speaker: “’People who live in glass houses shouldn’t throw stones.'” 

Nangako rin si Escudero na ihahayag ang kanilang posisyon sa Charter change sa tamang panahon, habang nagsisimula ang Sub-Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa kanilang mga public hearings ukol sa RBH6.

Hinamon din niya ang mga tagapagtaguyod ng Cha-cha na magpresenta ng matibay na datos na susuporta sa kanilang mga argumento: “Sinasabi nila kailangan nang amyendahan ang ating Saligang Batas dahil obsolete na ang ilan sa mga economic provisions dito at dahil diyan ay nagdadalawang-isip ang mga foreign investors na magnegosyo dito sa atin,” ayon sa senador. “Pero wala naman silang maipakitang datos o surveys na magpapatunay na ito ang sentimiyento ng mga negosyante at ng mamamayang Pilipino.”

Samantala, bilang tugon sa panawagang transparency ni Dalipe, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng credible data kaysa sa mga simpleng salita lamang. “To make their arguments credible, those advocating for Charter change at this time should present before the Senate committee credible data at hindi lang mga sabi-sabi,” ani Escudero. “Sabi nila, gusto ng business community ang pag-amyenda sa mga economic provisions. Asan ang patunay?”

Sa isang press briefing, mamatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Dalipe sa umano’y tila namamatay nang constitutional amendment proposals sa Senado. 

“This is my challenge now to all senators: Why don’t you, 24, come out in the open? Sino ba yung pabor to amend the Constitution, to update the 37-year-old Constitution? Sino yung mga kontra?” hamon niya sa mga senador.

“Para by 2025–this is my challenge to the senators. Come out in the open, wag po tayong magtago.

“And the people of the Philippines will decide whom to put in the Senate. Let’s come out, let us not hide, you know, in veils and saying all these words na lumalabas parang nag-aaway.”

“Open cards tayo sa taumbayan… let’s put our proposals transparent to the Filipino people,” pagpapatuloy pa ng kongresista.

Ayon sa kanya, ang malinaw na pagpapahayag ng kanilang mga posisyon ay nagbibigay daan sa transparency para sa mga Pilipino upang malaman kung saan tumatayo ang bawat senador sa isyu ng pagsasaayos sa Konstitusyon.

“I strongly urge the senators to come out in the open. Sino yung mga kontra to amend the 37-year-old Constitution…State your position,” pagtatapos ni Dalipe.

Photo credit: Facebook/senateph, House of Representative Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila