Namudmod ng lupa sa libo-libong benepisyaryo ng agrarian reform sa Davao City si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang linggo matapos manawagan ang mga Duterte ng pagbibitiw niya sa pwesto.
Sa kanyang speech sa pamamahagi ng 2,529 na titulo ng lupa sa mga agrarian reform beneficiaries, sinabi ni Marcos na masaya siya na nakatapak siya sa lungsod, at inalala kung paano siya tinulungan ng mga residente nito ang kanyang pamilya.
“Masaya ako at nakadalaw ako dito sa Davao. Maraming masasayang alala ang ibinigay ng Davaoeño sa akin at sa aking pamilya sa mga nakalipas na panahon.”
Sa gitna ng namamagitang gusot laban sa mga Duterte, todo pa rin ang pasasalamat niya sa tinawag niyang walang sawang suporta ng mga Davaoeño sa kanyang administrasyon.
“Maraming mga pagkakaibigang panghabambuhay ang nabuo rito, hindi maaaring mawala sa aking puso ang pagmamahal ng Davao [at] sa mga tao rito.”
Kasama ni Pangulong Marcos sa pagpapamahagi ng mga titulo si Vice President Sara Duterte, Agrarian Reform Conrad Estrella, at Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo.
Photo credit: Facebook/pcogovph