Wednesday, December 25, 2024

Love On The Rocks? Iligan Mayor Siao Nagpanukala Ng Solusyon Sa Away Mag-Asawa

24

Love On The Rocks? Iligan Mayor Siao Nagpanukala Ng Solusyon Sa Away Mag-Asawa

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang tugon sa tumataas na mga insidente ng karahasan sa tahanan, inihayag ni Iligan City Mayor Frederick W. Siao ang isang groundbreaking proposal na naglalayong harapin ang mga ugat ng mga alitan ng mag-asawa. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga barangay sa pagtugon sa mga ganitong isyu, at ang pangangailangan para sa isang proactive approach.

“Barangays, who are at the frontlines of responding to incidents of domestic violence and provision of basic welfare services and law enforcement, do not have records on who among the couples in their jurisdiction are married, common law, or cohabiting,” pahayag ni Siao, na binanggit ang kawalan ng mga record na nagdedetalye ng marital status ng mga nasasakupan nito. Binigyang-diin din niya ang epekto ng kakulangan na ito sa epektibong interbensyon at suporta para sa mga apektadong pamilya.

At dahil sa ang madalas na mag-away ay ang mga unmarried couple, inaalala rin ni Siao ang kalagayan ng mga bata at iba pang miyembro ng pamilya na naiipit sa mga ganitong sitwasyon. Dagdag pa niya, umaasa lamang ang mga barangay sa mga word of mouth sa halip na mga actual record, na humahadlang sa pagbubuo ng patakaran at mga hakbangin sa pagpapaunlad sa grassroots level.

“To reinforce our Family Code implementation efforts, I will study, together with the Barangay Councils of the City, ways to register cohabiting couples, such couples with children, so they can also avail of some services and benefits usually given to those who are married and for barangay intervention in domestic violence and abuse situations, while those who plan to get married can start making the documentation preparations,” deklara ni Siao.

Ang inisyatiba na ito ay naglalayong palawigin ang mahahalagang serbisyo at benepisyo sa mga unmarried couple, na bigyang kapangyarihan ang mga barangay na makialam sa mga kaso ng domestic violence.

Dahil luma na ang kasalukuyang mga civil registry, itinutulak din ni Siao ang digitization at computerization upang i-streamline ang mga proseso ng record-keeping. Iminungkahi niya ang isang ordinansa upang gawing pormal ang pagpaparehistro ng mga married couple; common-law couple; at cohabiting couples pero wala pa sa common-law status.  

Sa hangaring bigyan ng insentibo ang pagpaparehistro, iminumungkahi rin niya na mag-alok ng cash incentive na isang libong piso sa bawat mag-asawa na magpaparehistro. 

Photo credit: PNA art by Meyo de Jesus

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila