Saturday, January 11, 2025

Mababang PhilHealth Package Benefits Dapat I-Update: Cayetano

12

Mababang PhilHealth Package Benefits Dapat I-Update: Cayetano

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano ngayong Huwebes na panahon na para ayusin ang healthcare packages ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng mataas na inflation na nagpapataas ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan.

“Kung tatanungin niyo kung may pagtaas sa presyo ng bigas o langis, masasagot kaagad. Kayo po magsabi, y’ung fees sa laboratory or sa hospital, nagtaas na rin ba sila? We want to focus on zero billing kasi iyon talaga ang issue,” wika niya sa mga opisyal ng PhilHealth nang dinggin ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprise ang kanilang mga programa at serbisyo noong October 5, 2022.

Ani Cayetano, kailangang ayusin ng PhilHealth ang No Balance Billing (NBB) Policy para ma-update ang kanilang packages sa mga kasalukuyang gastusing pangkalusugan.

“We are interested in zero billing. How do we address the issues kung passé na y’ung amount? Right now kasi napakalaki ng inflation,” sabi niya.

Taong 2012 nang umpisahan ng PhilHealth ang NBB, na kilala rin bilang zero billing, na nag-uutos na walang ibang sisilingin o babayaran ang mga miyembro para sa mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng mga pampublikong ospital o mga piling pribadong ospital na kinikilala ng PhilHealth.

Inumpisahan din noong 2012 ang All Case Rates (ACR) Policy ng PhilHealth, na tumutukoy sa halaga na ibinabalik nito sa mga miyembro para sa mga partikular na kaso o sakit.

Dahil isang dekada na ang lumipas mula nang ipatupad ang parehong mga patakaran, sinabi ni Cayetano na maaaring panahon na para ayusin ang packages na nito ng PhilHealth. Bukod sa zero billing, nagpahayag din siya ng interes sa access at saklaw ng serbisyo ng PhilHealth.

“We’ll also be focusing on PhilHealth’s access and coverage kasi paano kung kumpleto at maganda [ang offered services] kung wala namang PhilHealth-accredited na hospital sa lugar? Forty percent of our barangays do not even have primary health centers. y’ung sa coverage naman, nabanggit na kanina y’ung sa PhilHealth Plus, check ups, et cetera,” ayon sa mambabatas.

Tiniyak niya sa mga opisyal ng PhilHealth na sa kabila ng mga pagkukulang nila na kailangang punan, hindi niya gustong ituro o sisihin ang mga ito.

“Ang attitude natin dito is not ‘committee versus PhilHealth.’ We’re all in this together and kami naman ang nagpapasa ng budget. Kung may pagkukulang, it’s not only on your backs but it’s also on us.”

Photo Credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila