Hindi pabor si Senate President Francis Escudero sa panawagan ni election lawyer Romulo Macalintal na magtalaga si President Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Commission on Elections (Comelec) commissioner na inendorso ng oposisyon. Ayon kay Escudero, mahalagang manatiling non-partisan ang poll body at hindi dapat magmula sa alinmang partido—oposisyon man o administrasyon.
Sa isang pahayag kamakailan, ipinahayag ni Macalintal na ang pagtatalaga ng isang opposition-endorsed commissioner ay makatutulong upang ibalik ang tiwala ng publiko sa Comelec. Ito ay matapos maglabas ang Korte Suprema ng mga temporary restraining orders (TRO) sa 12 disqualification cases, na nagdulot ng mga katanungan tungkol sa kung paano pinangangasiwaan ng Comelec ang mga electoral disputes.
“My understanding is that Comelec commissioners should be non-partisan and should not be recommended nor come from the ranks of either the opposition or administration,” wika ni Escudero.
Sa halip na sundin ang mungkahi ni Macalintal, itinutulak ni Escudero ang pagkakaroon ng mga opisyal mula sa loob mismo ng Comelec.
“I would prefer the next commissioner(s) to come from the current officials of Comelec who have been non-partisan for quite a while, already know the ins and outs of elections, and are professional civil servants,” dagdag pa ng senador.
Photo credit: Facebook/senateph, Facebook/AttorneyMac