Hind na nagpatumpik tumpik pa si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kanyang unang State of the City Address sa Sangguniang Panlungsod nang hamunin niya ang isang “konsehal” ng lungsod dahil sa di umano’y pagpapakalat nito ng mga maling pahayag tungkol sa Office of the City Building Official (OCBO).
Ayon kay Duterte, ipinapakalat ng nasabing konsehal na patuloy na umiiral ang mga problema OCBO sa kabila ng matagal ng pagkaka-ayos nito.
Iginiit ng alkalde na naresolba na niya ang isyu sa OCBO sa loob ng unang tatlong buwan ng kanyang termino. Tinanong din niya ang konsehal kung sila ay nasa parehong panig at kung bukas bukas ba ito sa komunikasyon.
“Aha man ka? Kauban ta? No. Nangutana ko, kauban ta? Kang kung di ta kauban ingna ko. Dali ra man ko kaistorya (Nasaan ka? Magkasama pa ba tayo? Hindi. Tinanong ko, magkasama ba tayo? Kung hindi tayo magkasama, sabihin mo sa akin. Madali akong kausap).”
Matapos ito ay ibinulgar ni Duterte ang mga nakaraang katiwalian sa OCBO, kung saan nagbabayad diumano ang mga bookkeeper at contractor sa mga fixer para iligal na iproseso ang kanilang mga dokumento.
Photo credit: Facebook/basteduterteofficial