Thursday, January 16, 2025

‘MAGKAKASABUNAN?’ Romualdez Vs. Dating Gabinete Ni PDuts, Magkakaroon Ng Komprontasyon!

384

‘MAGKAKASABUNAN?’ Romualdez Vs. Dating Gabinete Ni PDuts, Magkakaroon Ng Komprontasyon!

384

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nais komprontahin ni House Speaker Martin Romualdez ang mga dating opisyal ni former President Rodrigo Duterte upang bigyang-linaw ang sinasabing di umano’y “gentleman’s agreement” ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Kamakailan lamang, ibinulalas ni Romualdez sa isang media conference na gusto niyang pagsalitain ang ilang miyembro ng gabinete ni Duterte tungkol sa umano’y naging kontrobersyal na kasunduan niya kay Chinese President Xi Jinping.

“We can start with past officials. Sila rin dapat ang nag-eexecute kung may agreement. Dapat siguro ‘yung Foreign Affairs nila, Executive Secretary kung may EO, at saka ‘yung mga nagsalita na mayroon [gentleman’s agreement],” aniya.

Mariing sinabi ng House Speaker na paiba-iba ang mga naging pahayag ng mga dating opisyal ni Digong na para bang hindi sila sigurado kung ano ang napag-usapan sa nasabing agreement.

“Pero may isa ring press secretary nagsalita na meron [gentleman’s agreement]. ‘Yung isa naman, wala naman daw. So ano ba talaga? Nabubudo-budol na naman. Binudol na nga nila ‘yung Tsina, ngayon nagbubudulan sila sa loob ng dating gabinete,” saad niya.

Sinuportahan ni Romualdez ang naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos ukol dito na isa itong hindi magandang pangitain para sa bansa dahil maaaring magkaroon ito ng malaking epekto sa soberanya ng bansa.

“As our President said he was horrified. So are we. Kasi nakaka-disappoint din ‘yan eh, na mayroong isang gentleman’s agreement. Although may nagsasabi mayroon, may nagsasabi wala. Dapat malaman natin ano ba talaga ang kasunduan doon? Kasi ‘yun ang ini-invoke ng China ngayon,” pahayag niya.

Dagdag pa ng House Speaker, “We believe that, in the end, upholding our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law is what matters the most.”

Natatandaang ibinuking ni former palace spokesperson Harry Roque na nagkaroon di umano ang dating pangulong Duterte ng agreement kay Xi Jinping para maging “status quo” ang Ayungin Shoal, na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa para masolusyunan ang nasabing isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Photo credit: Facebook/iamMartinRomualdez, Facebook/rodyduterte

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila