Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa mga opisyal ng gobyerno na maging mahigpit sa implementasyon ng safety standards para sa mga pampublikong transportasyon para maiwasan ang mga trahedya gaya ng sunog na naganap sa Basilan noong Marso 29.
“Ako’y nakikiusap sa lahat ng kawani ng gobyerno: obligasyon po natin to keep people safe,” aniya sa isang panayam.
“Ako’y nakikiusap sa lahat ng kawani ng gobyerno: obligasyon po natin to keep people safe,” dagdag ni Cayetano.
Kasunod ito ng ulat mula sa Bureau of Fire Protection na ang sunog sa MV Lady Mary Joy 3 sa probinsya ng Basilan ay maaaring dulot ng electric short circuit.
Idiniin ni Cayetano na dapat maging mahigpit ang awtoridad sa pagbabawal ng substandard na public utility vehicles at transport units sa mga kalsada at sea lanes.
“‘Pag ininspect ang bus, kotse, truck at talagang substandard at hindi pwede sa kalye, ‘wag nating pilitin,” aniya.
“‘Pag tiningnan natin ‘yung train, baka takot lang tayong ma-media na hindi pinaandar y’ung tren na ‘yun pero delikado naman pala,” dagdag ng mambabatas.
Sinabi rin ni Cayetano na dapat matuto ang gobyerno mula sa mga trahedyang naganap dahil sa pagiging pabaya.
“Ilan po ang nakita nating trahedya [sa mga nakalipas na taon], whether disco na nasunog na maraming naipit sa loob, earthquake na hindi tama ang bakal na ginamit sa building, ferry o barko na nasunog o lumubog, mga overloaded o mga walang safety equipment katulad ng mga life vest,” aniya.
Idiniin din ng senador na ang kita ng transport industry ay hindi katumbas ng mga nawalang buhay dahil sa mga aksidente.
“May kikitain po talaga sa transportation, pero kung ikaw naman ay magiging parte ng isang malaking trahedya, eh hindi matutumbasan ‘yan ng kahit anong pera,” aniya.
Photo credit: Facebook/DILGBFP