Ibinida ni Makati City Mayor Abby Binay ang kanilang bagong tourism campaign na “Visit a Better Makati” upang isulong ang pagpapalakas ng turismo sa lungsod, di lamang dahil sa mga atraksyon ngunit pati na rin sa mga programa ng lokal na pamahalaan.
Sa isang panayam, sinabi ni Binay na nais niyang pagyamanin ang natatanging ganda ng Makati City sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas eksklusibong discounts at promos sa mga atraksyon sa lungsod.
Aniya, ang pagpapakilala sa bagong kampanya na ito ay hindi lamang para sa pagpapakita ng pagbabago sa lungsod ngunit pati na rin sa mga programa ng lokal ng pamahalaan sa mga nasasakupan nito.
“We want to elevate the visitor experience to a whole new level when they come to Makati. We want to showcase the city’s distinctive blend of centuries-old cultural heritage and cosmopolitan lifestyle. At the same time, we also intend to highlight our social programs that have gotten better over time.”
Ang nasabing kampanya ni Binay ay may kaakibat na slogan na “Tara Na! Experience a Better Makati!” kung saan ipinapakita ang iba’t-ibang historical points at ilang sikat na pasyalan tulad ng Salcedo at Legazpi Market.
Sinabi rin ni Binay na nagkaroon ng partnership sa mga high-end hotels at ilang merchants ang lokal na pamahalaan upang magbigay ng hanggang 60% discount sa mga bibisita sa lungsod.
Dagdag pa ng mayor, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na lungsod ng Makati upang mas mapalawig pa ang kanilang pagpapaganda ng turismo sa bansa.
Sa pagbubukas ng bagong kampanya ng Makati, ibinida ni Binay na hindi lamang nito matutulungan ang pamahalaan na palaguin ang turismo ngunit pati na rin ang mga merchants para magkaroon ng karagdagang consumers sa kanilang negosyo.