Wednesday, November 13, 2024

MALABONG RESIBO? OVP Sa Hot Seat Sa P125M Pondo

63

MALABONG RESIBO? OVP Sa Hot Seat Sa P125M Pondo

63

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na nagbigay ang Office of the Vice President (OVP) ng mahigit 1,200 deficient acknowledgment receipts upang bigyang-katwiran ang paggamit ng P125 milyong confidential funds na nagastos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022.

Ayon sa COA, ang mga resibo ay nagtataglay ng mga maling petsa, hindi mabasang pangalan, at lagda lamang.

Ayon kay Gloria Camora ng COA’s Intelligence and Confidential Funds Audit Office, 158 acknowledgment receipts na nagkakahalaga ng P23.8 milyon ang may maling petsang “Disyembre 2023” imbes na “Disyembre 2022,” habang 787 resibo ay walang pangalan at pirma lang ang nakalagay. Ang natitirang 302 resibo naman ay may hindi mabasang pangalan.

Pinatunayan din niya na ang mga nasabing pondo ay ginamit pambayad sa mga rewards, kasama na dito ang gamot, impormasyon, supplies, kagamitan, at food aid.

Sa kanilang audit, nakakita ang COA ng P73 milyon sa P125 milyon na confidential funds na may discrepancies, kaya’t naglabas ng notice of disallowance ang COA.

Samantala, kinumpirma rin ni Department of Education (DepEd) chief accountant Ma. Rhunna Catalan sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Accountability na nakatanggap siya ng P25,000 kada buwan mula kay Sunshine Charry Fajarda, dating Education assistant secretary sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte. 

Pangatlo na siya sa mga DepEd official na tumestigong nakakuha ng regular na cash envelopes mula kay Duterte. Ang mga nauna ay sina former Education Undersecretary and head of procuring entity Gloria Mercado and Bids and Awards Committee Chairman Resty Osias.

Samantala, ang ibang opisyal ng OVP, kabilang si Fajarda at anim na iba pa, ay muling hindi dumalo sa hearing sa Kamara noong Martes. Iniulat din na ang chief of staff ni Duterte na Zuleika Lopez, ay umalis patungong Los Angeles. 

Sa kanilang position paper, iginiit ng mga opisyal ng OVP na ang imbestigasyon ay “hindi kailangan” at sinabing ang subpoena na natanggap nila para sa Oktubre 28 hearing ay hindi valid dahil ipinadala ito sa kanila noong Nobyembre 4. Ayon sa kanila, walang valid na subpoena para sa nakatakdang hearing noong Nobyembre 5.

Photo credit: House of Representatives website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila