Thursday, January 16, 2025

MANGINIG NA ANG MGA TIKTOKERIST! Ban Sa TikTok, Binuhay Ni Rep. Abante

795

MANGINIG NA ANG MGA TIKTOKERIST! Ban Sa TikTok, Binuhay Ni Rep. Abante

795

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nasa bingit ngayon ng alanganin ang mga gumagamit at kumikita sa social media app na TikTok, matapos buhayin ni Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang panukalang total ban para dito at para na rin sa iba pang online applications na konektado sa Chinese government.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Abante na ang mga online apps na ito ay maaring magdala ng kapahamakan sa bansa dahil ang nakukuhang impormasyon sa mga Pilipino ay posibleng magamit na sandata laban sa Pilipinas.

Matatandaang ang kumpanyang nag-mamay ari sa TikTok ay konektado sa Chinese Communist Party at Chinese government. Ito ay nangangahulugang madali nilang maipapasa ang data ng mga Pilipino kapag nagkaroon ng mas malalang alitan sa pagitan ng Pilipinas at China dahil na rin sa agawan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Abante. sa House Bill (HB) 10489 or Foreign Adversary Controlled Applications Regulation Act, nakapaloob ang dalawang grounds para magkaroon ng ban sa mga nasabing online apps.

Una, maaring magkaroon ng total ban kung ang app ay napatunayan na kontrolado ng isang kalabang bansa. Pangalawa, kapag ipahayag ng Pangulo na ito ay maaaring makaapekto sa national security ng bansa.

“The proposed bill regulates conduct rather than targeting the content of speech. The provisions in this proposed bill focus on national security threats and an application’s ownership by a foreign adversary,” sambit ni Abante.

Para kay Abante, importanteng pangalagaan ang cybersecurity ng bansa dahil maaring ito ang bagong taktika ng mga kalabang bansa upang sakupin ang Pilipinas.

“We need to take a preemptive action to prevent the clear and present danger of foreign adversary controlled companies operating in the Philippines with the purpose and capability of harvesting data from unsuspecting subscribers.”

Noong nakaraang taon ay nabuksan na ang pagkakaroon ng ban sa TikTok app dahil sa posibilidad na ito ay “propaganda tool” ng China. Inatasan ang National Security Council at iba pang organisasyon na magkaroon ng imbestigasyon ukol dito dahil na rin sa tumitinding alitan sa West Philippine Sea.

Kasabay nito ay ang pagkakaroon din ng pagsusulong ng ban sa nasabing online app sa ibang bansa tulad ng India, Australia, Denmark, New Zealand, at Estado Unidos.

Photo credit: House of Representatives official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila