Mariing binatikos ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang plano ni Pangulong Bongbong Marcos na dumalo sa Formula One Singapore Grand Prix 2023 sa gitna ng mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.
Kamakailan lamang ay inihayag ng Malacañang na makikipag-usap si Marcos sa economic managers at business leaders sa 10th Asian Conference sa Singapore. Dadalo rin siya sa high-profile na international motorsport event, na nakatakdang magaganap sa huling bahagi ng linggong ito.
“Philippine President Ferdinand Marcos Jr attending another F1 race in Singapore, in a time when his country faces an economic crisis and crushing debt, and as the Filipino people commemorate the 51st anniversary of Marcos Sr’s Martial Law, is truly the apex of insensitivity and callousness,” ayon sa grupo.
Ilan lamang sa mga kinakaharap na mga hamon ng Pilipinas sa ngayon ay ang kawalan ng trabaho, mataas na inflation, at agawan ng teritoryo sa South China Sea.
“Even if he was invited to the F1 race by the Singaporean PM, he could always politely decline. Living it up as if it was 1972 sends the wrong message to Filipinos who up to now are struggling to find the so-called P41 peso rice in local markets,” pagtatapos ng Bayan.
Photo credit: Facebook/BAYANPhilippines?locale=tl_PH