Thursday, November 21, 2024

Manigas Kayo! Roque: Digong Hindi Pahuhuli Ng Buhay Sa ICC

33

Manigas Kayo! Roque: Digong Hindi Pahuhuli Ng Buhay Sa ICC

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Personal na sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring siyang maaresto anumang oras batay sa isang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC), ayon sa kanyang dating tagapagsalita na si Harry Roque.

“Based on intel, the former president informed me that he could be apprehended anytime. Unfazed, he vowed that the ICC would never get him alive. Since he is already 80 years old, Tatay Digong would fight all attempts to have him detained and prosecuted in The Hague for alleged crimes committed in Philippine territory. He would only submit himself to the jurisdiction of our domestic courts,” pahayag ni Roques sa kanyang social media page.

Bilang abogado ni Duterte, paninindigan ni Roque na nawalan ng hurisdiksyon ang ICC sa kaso ng giyera kontra-droga ng bansa dahil sa kabiguan ng Prosecutor na isagawa ang preliminary investigation bago ang epekto ng pag-withdraw ng Pilipinas mula sa Rome Statute. Kaya naman, hindi obligado ang administrasyong Marcos na makipagtulungan sa anumang prosesong may kinalaman sa ICC.

“I reiterate my appeal to President Ferdinand Marcos, Jr. to issue a presidential memorandum circular prohibiting all agencies under the Executive branch, the AFP, and the Philippine National Police from cooperating with the Court, given that the Philippines had ceased to be an ICC member. The presidential issuance should highlight that any engagement or coordination would violate our sovereignty and national jurisdiction,” aniya.

Nagsimula ang kontrobersiyal na kaso matapos isampa ng human right groups ang reklamo laban kay Duterte sa ICC kaugnay ng kampanya kontra-droga ng kanyang administrasyon. 

Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ipinatupad ni Duterte ang isang matinding kampanya laban sa droga na nagresulta sa daan-daang libong diumano ay extra-judicial killings.  Nang magdesisyon ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon laban kay Duterte, nagdulot ito ng malaking kontrobersiya at pagtatalo sa loob ng bansa.

May mga nagsasabing ito ay isang hakbang tungo sa hustisya at pananagutan, habang ang iba ay naniniwala na ito ay isang panghihimasok sa soberanya ng bansa at isang pag-atake sa liderato ng Pangulo.

Photo credit: Facebook/HarryRoque

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila