Thursday, January 16, 2025

Marcos Kontra Marcos! Sen. Imee Marcos Umalma Sa Bagong Direktiba Ni PBBM Sa Presyo Ng Pagkain!

276

Marcos Kontra Marcos! Sen. Imee Marcos Umalma Sa Bagong Direktiba Ni PBBM Sa Presyo Ng Pagkain!

276

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umalma si Senador Imee Marcos sa direktiba na inilabas ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na tanggalin ang non-tariff barrier sa agricultural goods dahil aniya, maaring makaapekto ito sa local farmers at producers sa bansa.

Ngayong buwan, inaprubahan ni Pangulong Bongbong ang Administrative Order (AO) 20 na naglalayong makapag-pababa ng presyo ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng pagtanggal ng non-tariff barrier sa pag-import ng agricultural goods.

Ayon sa ekonomista at Albay 2nd District Representative Joey Salceda, makakatulong ito sa pamilyang Pilipino sa pagbaba ng presyo ng basic goods, “The AO [administrative order] will make food cheaper. Right now, it’s very difficult as an honest exporter to sell food to the Philippines.”

Taliwas sa nakikitang tulong nito, nais ni Sen. Imee na imbestigahan pa nang mabuti ang nasabing AO dahil maaring makaapekto ito sa kita ng mga magsasaka.

“We should further investigate and intervene against the huge disparity between farmgate and retail prices, then punishing exorbitant charges and cartelization.” aniya.

Ayon pa kay Sen. Imee Marcos, hindi magiging ganoon kalaki ang maibabawas sa presyo ng bilihin dahil mataas din ang presyo ng mga imported na pagkain sa ibang bansa tulad ng Thai White rice.

“Pakay ng AO 20 maibaba ang halaga ng pagkain. Ngunit kung pupunahin natin ang pinakamurang imported Thai White Rice 5% broken na nasa USD 597/MT, at White Rice 25% broken na USD 568/MT, napakatataas na ng bagsak nito!” saad niya.

Bukod sa presyo ng bigas, sinabi rin ng senadora na makakaapekto rin ito sa iba pang local producers dahil mas malulugi sila at magiging mabigat para sa kanilang production cost.

“But this will also impact local producers–particularly onion farmers even now selling well below their production cost.” pahayag ni Sen. Imee.

Dagdag pa ng senadora, dapat konsultahin pa rin ng pamahalaan ang mga farmers, consumers, at iba pang maaapektuhan ng AO para mas makita kung makakatulong ito sa bansa.

Habang pinag-aaralan ang sinabing AO, hinihikayat ng senadora na suportahan ng Pilipino ang mga magsasaka at iba pang local producers dahil maari pa rin itong makatulong sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa bansa. “[L]et us support the Filipino farmer with investment, technology and minimal, well-regulated importation.”

Photo credit: Facebook/ImeeMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila