Wednesday, January 22, 2025

Marcos Vs Duterte: Sino Ang Totoong ‘High’?

75

Marcos Vs Duterte: Sino Ang Totoong ‘High’?

75

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Maanghang ang palitan ng akusasyon ni Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihan ni Duterte na nasa “top narco list” si PBBM ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Agad naman itong sinagot ni PBBM at sinabing epekto na lamang ng Fentanyl ito kay Duterte kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi ng dating pangulo. 

“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” sabi ni Marcos nang hingin ang komento nito matapos ang pahayag ni Duterte sa prayer rally na ginanap sa Davao City noong Linggo, Enero 28. 

“No’ng ako’y mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon ‘yong pangalan mo. Ayaw kong sabihin ‘yan kasi magkaibigan tayo. Kung hindi magkaibigan, magkakilala.” 

“Ikaw eh, pumapasok kayo nang alanganin. Mr. President baka sumunod ka sa dinaanan ng tatay mo. D’yan ako takot ayaw kong mangyari sa’yo ‘yan. Pabor lang, ako naman ang magmamakaawa kasi it will divide the nation at madugo ang panahon na ito.”

“Bongbong bangag yan. That is why sinasabi ko na sa inyo ngayon. Si Bongbong Marcos bangag noon… Bangag ang ating Presidente. May drug addict tayo na presidente!,” sabi ni Duterte. 

Ang sagot naman ni Marcos sa paratang ni Duterte ay dapat na siyang alagaang maigi ng kaniyang mga doktor dahil matindi na ang epeketo ng Fentanyl sa kanya. 

“When was the last time he told us that he was taking Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema,” aniya.

Itinanggi rin naman ng PDEA ang alegasyon ni Duterte na nasa watchlist si Marcos ng mga taong gumagamit ng iligal na droga. 

Photo credit: Facebook/pcogovph, Facebook/rodyduterte

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila