Diniretsa ni Senador Nancy Binay ang mga paratang ni Senate President Chiz Escudero sa mahal na pagpapagawa ng bagong Senate building, at sinabing nanggaling ito umano sa mga haka-haka lamang ng ibang senador.
Pinaratangan ni Binay na mga “marites” ang mga nakausap ni Escudero matapos umalma ng Senate president sa kanilang inaalok na bagong Senate office. Aniya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita at dapat na kinausap muna siya bago pa man maglabas ng pahayag tungkol dito.
“Kung sana ay nakapag-usap kami ni SP [Senate President], mas malinaw at factual info ang maibibigay ko, kaysa umasa s’ya sa mga marites at mga bubuyog na bumubulong-bulong.”
Dagdag pa ni Binay, kung nagkaroon lamang sila ng masinsinang usapan ni Escudero, hindi na nakarinig ng “fake news” ang Senate president.
“Naghihintay po lamang ako na ako’y ipatawag (I’m just waiting to be called). If there are questions and some clarifications, or things that need to be verified or validated or to check if some information are indeed factual or simply intended to sow misinformation and spread falsehoods. I am just a call or text away,” aniya.
Maaalalang sa naging naunang pahayag ni Escudero ay sinabi niya na masyadong malaki ang gustong budget na P23-billion para sa bagong opisina ng Senado at sinasabing hindi naman ito kailangan ngayon.
“Hindi kwestionable, na o-OA-yan lang ako,” he said. “Nakakagulat at masama [sa] panlasa na gagatos ng ganito kalaki ang Senado para sa aming magiging bagong tahanan at opisina.”
Mariin ding sinabi ni Escudero na may mga bagay pang mas mahahalagang isyu na dapat tutukan ang Senado.
“Ulitin ko, walang binibatawang akusasyon. Nais lamang namin malaman at alamin dahil hindi ba medyo marangya para sa panlasa din ninyo ang ganitong kalaking halaga para sa isang government building? Baka ang katumbas nito’y mga mamahaling building na at luxurious na makikita natin sa Makati at BGC.”