Iminungkahi ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang isang panukalang batas na naglalayong sugpuin ang mga sindikato ng illegal recruitment at protektahan ang mga overseas Filipino worker mula sa human trafficking.
Ang Senate Bill 2216 ay naglalayong amyendahan ang Labor Code of the Philippines at ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, partikular na pinupuntirya ang “illegal recruitment committed by a syndicate” kung dalawang tao – sa halip ng kasalukuyang tatlo – ang nagkuntsabahan para gawin ang krimeng ito.
“The current definition of illegal recruitment fails to capture the severity of the crime when committed by syndicates and on a large scale. The proposed amendments expand the definition to include illegal recruitment committed by a group of two or more persons conspiring and/or confederating with one another in carrying out any unlawful or illegal transaction, enterprise or scheme, instead of the original stringent three-person requirement,” ani Padilla sa panukalang batas niya.
Kung maisasa-batas, mapapabuti nito ang proteksyon ng mga manggagawang Pilipino. Umaasa ang mambabatas na mapapalakas nito ang legal frameworks ng bansa at makakatulong na maiwasan ang pagsasamantala sa mga mahihinang manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
“It affirms our unwavering commitment to safeguard the rights and welfare of our workers, making our legal frameworks adapt and respond to the changing landscape of labor migration,” ani Padilla.
Photo credit: Facebook/dmw.gov.ph