Ikinukonsidera nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang paggawa ng batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga Lupon Tagapamayapa sa mga barangay na magdesisyon sa mga simpleng kasong sibil, gaya ng mga kasong may kinalaman sa utang para sa mas mabilis na pangangasiwa ng hustisya.
Sa ilalim ng Barangay Justice System, ang Lupon Tagapamayapa na pinamumunuan ng kapitan ng barangay ay nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang partido at gagabay sa paghahanap ng solusyon. Maaari lamang magpasya ang Lupon Tagapamayapa sa kaso kung ang mga partido na sangkot ay sumang-ayon na sumailalim sa arbitrasyon.
“Bakit nga ba iaakyat pa sa korte ang simple cases kung pwede namang pag-aralan [ng mga mambabatas] at [gawan ng] legislation para barangay na ang magdedesisyon?” tanong ni Sen. Alan.
Aniya, umaabot ng buwan ang proseso ng pagsasampa ng kaso at pagharap sa korte sa bansa.Â
“Sa ibang bansa po na very, very efficient ang korte at pagsasampa ng kaso, mabilis po ang ejectment,” ayon kay Sen. Alan.
“Eh sa atin, it takes months para matapos ang procedure samantalang ang hinihingi lang [na extension ng umuupa] ay tatlong linggo,” aniya.Â
Idiniin naman ni Sen. Pia na maganda ang pagkakaroon ng lupon na may kapangyarihan na magbigay ng solusyon sa mga simpleng kaso.