Tuesday, November 26, 2024

Mas Maraming Job Opportunity Sa La Union Tiniyak Ni Gov. Ortega-David

0

Mas Maraming Job Opportunity Sa La Union Tiniyak Ni Gov. Ortega-David

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tiniyak ni Governor Rafy Ortega-David na sisikapin ng kanyang pamunuan na makapagbigay ng mas maraming job opportunity sa kanyang mga Kaprobinsiaan sa La Union.

“We at the Provincial Government will continue to launch more job fairs and provide more opportunities for our Kaprobinisiaan. With #LaUnionPROBINSYAnihan, we could build connections and opportunities for all of you,” aniya sa social media.

Ito ay matapos ganapin ang La Union Jobs Fair 2023 noong Pebrero 27 na ayon sa Provincial Government of La Union (PGLU) ay nilahukan ng 44 na employer na nag-alok ng 8,200 na trabaho sa loob at labas ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng PGLU na ang mga kalahok na ahensya mula sa ibang mga lungsod/lalawigan tulad ng Baguio City, Pangasinan, Tarlac City, Pampanga, Laguna, Cavite at Metro Manila kasama ang mga lokal na employer mula sa La Union ay nagtipon sa jobs fair venue upang magbigay ng disenteng trabaho para sa Kaprobinsyiaan. 

Nakapagtala ang Provincial Public Employment Service Office ng 458 na mga jobseeker, at 41 na mga maswerteng Kaprobinsiaan ang agad na natanggap.

Pinasalamatan naman ni Ortega-David ang lahat ng nag-alok ng trabaho sa mga jobseeker binati ang mga natanggap. 

“Congratulations on your new job, Kaprobinsiaan!  Maligaya ko pong binabati ang ating on-the-spot hired job seekers sa ating La Union Jobs Fair 2023!,” aniya.

“Napakasaya po sa feeling ang matanggap sa trabaho na alam mong mahal mo. 

Para po sa mga hindi natanggap, I know that there are more doors and opportunities po na darating sa inyo,” dagdag ng gobernador.

Sa pakikipagtulungan sa CSI the City Mall, ang jobs fair ay bahagi ng Ayat Fest 2023: ang 173rd La Union Founding Anniversary na may temang: La Union La Unay, ayon sa PGLU.

“The PGLU through the provincial PESO will continue strengthening ties with the National Government Agency partners, different LGUs, private establishments, business owners and overseas recruitment agencies in creating a progressive investment and employment hub in La Union contributing to the attainment of the province’s vision to be the Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025,” binigyang-diin ng PLGU.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila