Sa gitna ng mainitang isyu sa Senate inquiry ukol sa People’s Initiative (PI), nagsalita si Bataan Rep. Geraldine Roman para ipakita ang tunay na layunin ng People’s Initiative para sa reporma ng konstitusyon.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Kamara sa pagtupad ng nais ng mamamayan na magkaroon ng pagbabago. Sa press isang conference, hindi napigilan ni Roman ang mag-alala sa mga diumano ay maling interpretasyon ng ilang tao sa PI.
“It hurts me na merong malicious interpretation—nagpapicture lang kay Speaker, nagpapicture lang sa aming mga congressman kami na kaagad ang nag-initiate.” Tinutulan din niya ang ideya na ang mga miyembro ng Kamara ang pangunahing nagtulak sa inisyatiba, “Para namang kinu-question ninyo ‘yung kakayahan ng taongbayan—sila ang may gustong magkaroon ng pagbabago.”
Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng mga civic organizations sa inisyatiba, “Let us not undermine the capacity of civic organizations to organize themselves and to unite for a certain cause.” Binigyang-diin niya ang natural na paghahanap ng mamamayan para sa pagbabago.
Sa harap ng agam-agam ukol sa posibleng pakikialam ng mga kongresista, nilinaw ni Roman ang pangangailangan na manatili ang inisyatiba bilang tunay na ekspresyon ng kagustuhan ng mamamayan. “It would defeat the purpose of this initiative kung kami makikialam, kami ang magpu-push, kami ang magbabayad. Hindi kami tanga.” pahayag niya.
Kinilala rin ni Roman ang araw-araw na mga hamon ng mamamayan at idiniin ang kahalagahan ng kapakumbabaan sa proseso. “We are not on an ivory tower, trying to call the shot on the fate of the nation based on the privileged situation that we would want to perpetuate. Hindi po kami ganun,” aniya.
Photo credit: House of Representatives Official Website