Sunday, January 19, 2025

Mataas Na Subsidy, Mahabang Paying Scheme Sa PUVMP Itinulak

0

Mataas Na Subsidy, Mahabang Paying Scheme Sa PUVMP Itinulak

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Idiniin ni AGRI Party-list Representative Wilbert T. Lee and kahalagahan ng pagtugon sa mga hinaing ng mga jeepney driver at operator sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa House Committee on Transportation noong Marso 9, kung saan iniulat ng Department of Transportation (DOTr) ang kasalukuyang status ng implementasyon ng PUVMP, ipinunto niya na hindi dapat minamadali ang implementasyon ng programa dahil maaaring mawalan ng kabuhayan ang karamihan ng mga jeepney driver. 

“The transport sector is not only a public service but most importantly, a source of livelihood. Napakarami nating kababayan ang umaasa sa kabuhayang ito,” pahayag ni Lee.

“6 years, 6 extensions and one pandemic have passed since the launch of this program but the dominant and critical issues are still the same. Maingat po natin dapat solusyunan ang problema ukol sa modernization, which we should welcome primarily for the sake of the environment,” aniya.

Umapela ang mambabatas sa gobyerno na tugunan ang mataas na presyo ng mga modern jeepney. Sinabi ni Lee na hindi kaya ng jeepney driver o operator na kumikita lamang ng P600 hanggang P700 bawat araw na makabili ng bagong jeepney na may halagang P1.6 million hanggang P2.3 million.

“We should provide an acceptable paying scheme which must be just, fair and humane. They should be allowed to pay for a modern jeepney in 10 to 15 years instead of 7 years or the government can provide a higher and adequate subsidy. Ma-a-address po natin dito yung problema at malaking pangamba na malulubog ang mga driver at operator sa utang sa pagkuha ng bagong unit,” aniya.

Umapela rin ang mambabatas sa Transportation department na dapat magkaroon ng isang disenyo ang modern jeepney na kahawig ang istilo ng tradisyonal na jeepney na kayang ibenta at gawin ng mga local at foreign manufacturer.

“Mahalaga po na ma-retain ang iconic design ng traditional jeepney dahil nakatatak na ito bilang bahagi ng ating kultura at identidad. Mahirap naman kung iba-iba ang hitsura ng jeepney. Yung nakikita kasi natin ngayon na pumapasada, hindi naman mukhang jeepney, kundi mas mukhang mini bus. Huwag nating hayaang mawala ang iconic design ng jeepney tulad ng pagkawala ng mga kalesa,” aniya.

“Then we can mass produce our iconic jeepney with the necessary upgrades that can create a new industry na pwede pa natin ma-export pagdating ng panahon,” dagdag ni Lee.

Idiniin rin niya na ang indibidwal na driver o operator na ayaw maging parte ng kooperatiba ay dapat payagan rin na ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan nang hindi kinakailangan na magparehistro bilang corporation sole dahil marami ang hinihingi na mga requirement para dito.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chair Teofilo Guadiz III na pag-iisipan ng DOTr ang mga mungkahi ng mambabatas na tignan muli ang modernization program.

Pahayag ni Lee na nais niyang isulong ang panukala para sa local manufacturing ng abot-kaya at environmentally-friendly na jeepney na may patas na paying schemes para sa mga operator at driver.

“Tulad ng panawagan natin noon sa nakaraang budget deliberation, hindi dapat apurahin ang implementasyon ng PUV modernization. Hindi ito dapat maging mabigat na pasanin sa mga driver at operator pati na sa ating commuters para winner tayong lahat,” aniya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila