Saturday, January 11, 2025

May Kumontra! Padilla Vs. Hontiveros Sa Contempt Laban Kay Quiboloy

33

May Kumontra! Padilla Vs. Hontiveros Sa Contempt Laban Kay Quiboloy

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng matinding pagtutol si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa mosyon ni Senador Risa N. Hontiveros na patawan ng contempt ang religious leader na si Apollo C. Quiboloy dahil sa hindi niya pagdalo sa mga hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.

Ang pagtutol ni Padilla ay matapos magdesisyon si Hontiveros, ang committee chair, na i-cite for contempt si Quiboloy at hilingin sa Senate President na pahintulutan siyang arestuhin dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig.

“Ipagpaumanhin na po ninyo, akin pong tinututulan ang naging pasya na ma-contempt si Pastor Quiboloy. With all due respect,” sabi ni Padilla.

Ayon naman kay Hontiveros, ang kanyang naging desisyon ay base sa Section 18, Contempt ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation. Aniya, nakasalalay ngayon ang kapalaran ni Quiboloy sa desisyon ng mga senador.

“At yung huling pangungusap, nung unang talata na yan ay, a majority of all the members of the committee may, however, reverse or modify the aforesaid order of contempt within seven days,” paliwanag ng mambabatas.

Sa isang press interview, nilinaw din niya na may ang pitong araw na palugit para sa mga miyembro ng komite na panindigan o baligtarin ang kanyang desisyon, at idiniin ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga biktima at nakaligtas sa harap ng mga umano’y pang-aabuso sa loob ng religious community ni Quiboloy.

“Sabi nga ni Sir Dindo, di ba, minsan sa utang na loob, nagkakamali tayo ng desisyon bilang mga Pilipino. Pero, mas importante, hindi ako kinakabahan. At kaya ako, hearing after hearing, mas nga lumalakas ang pag-asa ay dahil lumalapit pa rin ng buong tapang, yung ating mga victim-survivors bilang mga witnesses. At palagay ko, batid nung mga kasama ko sa Senado yung lakas nung kanilang mga testimonya batay sa kanilang mga karanasan.”

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila