Ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na gumastos ang Office of the President (OP) ng mahigit P2.2 bilyon sa confidential funds noong 2023, halos pareho sa halaga ng nagastos noong 2022.
Sa kabuuan, umabot sa P4.57 bilyon ang nagastos ng OP para sa confidential, intelligence, at extraordinary expenses, mas mataas nang bahagya kumpara sa P4.50 bilyon na naitala noong 2022.
Ang breakdown ng gastos ay:
- P2.2 bilyon para sa confidential expenses
- P2.3 bilyon para sa intelligence expenses
- Mahigit P10 milyon para sa extraordinary at miscellaneous expenses
Ayon sa COA, ang confidential funds ng OP ay ginagamit para sa surveillance activities na sumusuporta sa mandato ng civilian government agencies, habang ang intelligence funds ay nakalaan para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa seguridad ng bansa.
Samantala, ang extraordinary at miscellaneous expenses ay ginagamit para sa incidental costs na konektado sa official functions.
Photo credit: Facebook/pcogovph