Sunday, November 24, 2024

Mayor Pansamantalang Naging Ambulance Driver ng COVID-19 Patients

9

Mayor Pansamantalang Naging Ambulance Driver ng COVID-19 Patients

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Lakas loob na naghatid-sundo ng mga pasyenteng may COVID-19 si Malangas Mayor Marcelo Baquial Jr. para makapagpahinga ang isang ambulance driver na humigit kumulang 24 oras nang naka-duty.

Mula sa kanilang tahanan, hinatid ng mayor ang mga COVID-19 patients patungo sa isolation facility sa Malangas, Zamboanga Sibugay.

Bagamat umani ito ng papuri mula sa netizens, mayroon din namang pumuna sa kanya at nagsabing baka kaya niya ginagawa ito ay dahil malapit na ang eleksyon.

Depensa naman ng head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRMMO) na si Atty. Joie Luza, nakasanayan na nila ang estilo ng mayor na tumulong sa gawain ng ibang empleyado.

Bukod sa pagtugon bilang ambulance driver noong Linggo, namataan ding naglilinis ng kalsada at tumutulong sa construction projects si Baquial.

Ayon sa datos ng MDRMMO, walong tao ang nag-positibo sa COVID-19 sa Malangas. Lahat ng residente na inihatid-sundo ng Mayor ay nakarating nang ligtas sa kanilang mga bahay.

Photo Credit: Facebook/jerryelentorio

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila