Tuesday, October 4, 2022

Media Workers, Protektado Sa Inihahaing Panukalang Batas

MOST READ

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain ang mga Representatives ng Camarines Sur na sina Luis Raymund Villafuerte, Tsuyoshi Anthony Horibata, at Miguel Luis Villafuerte, at Bicol Saro Party-list Rep. Nicolas Enciso VIII ng panukalang “Media Workers’ Welfare Act” o House Bill No. 304, na ipinaglalaban ang karapatan ng mga media workers at inilalaban ang karagdagang mga benepisyong pang-ekonomiya na nararapat sa kanila sa kanilang propesyon.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga media workers sa mga entry-level na posisyon ay dapat tumanggap ng minimum na buwanang kompensasyon na itinakda ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) o ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Kailangan ding lumikha ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng News Media Tripartite Council, na maaaring magbago o magtaas ng halaga ng minimum na hazard pay para sa mga media workers.

Ang panukalang batas ay naghahangad na bigyan ng hazard pay na hindi bababa sa PHP500 kada araw sa mga media workers na nakatalaga sa mga mapanganib na lugar, tulad ng mga lugar na may gyera, contagion, radiation, pagsabog ng bulkan, distressed o isolated stations, o mga lugar na may sakit o mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity o emergency, at iba pang occupational risks o perils sa buhay na itinakda ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), sa konsultasyon sa DOLE.

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Latest News