Sunday, January 19, 2025

Mga Bill Para Sa Kalusugan Ng Senior Citizens Aprubado Sa Special Panel

0

Mga Bill Para Sa Kalusugan Ng Senior Citizens Aprubado Sa Special Panel

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Aprubado sa House Special Committee on Senior Citizens na pinamumunuan ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang ilang House Bills (HBs) para sa kalusugan at kapakanan ng senior citizens. 

Ayon sa House of Representatives Media Affairs, kabilang sa mga aprubado na panukala ay ang pinagsamang HB 2097 ni Ordanes at HB 4458 ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting na nais i-mandato ang Department of Health (DOH) na bakunahan ang mga senior citizen laban sa iba’t ibang sakit gaya ng influenza, virus, tetanus, diphtheria, pertussis, pneumococcal disease. Aamyendahan ng bill ang Section 4 ng Republic Act 7432 na rebisyon ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Sinabi ni Tambunting na ang panukalang libreng bakuna para sa mga citizens ay makakatulong na panatilihin ang kalidad ng buhay nila.

Sa pangunguna ni Rep. Ma. Victoria Co-Pilar, aprubado rin sa House panel ang pinagsamang panukala na HB 1552 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri at HB 7205 ni Benguet Rep. Eric Go Yap. Layunin nito na magkaroon ng national eye service program para sa mga senior citizen na may functional visual impairments. 

Sa explanatory note ng HB 1553, isinaad ni Zubiri na ang panukala ay makakatulong sa pagkakaroon ng mas malusog na mamamayan at bansa.

Inaprubahan rin sa House panel ang HB 7064 ni Ordanes na may layuning magbigay ng komprehensibo at maigting na nutrition program para sa mga senior citizen na isa ring pag-amyenda sa RA 9994. 

Ayon kay Ordanes, ang isinusulong na panukala ay may layuning palakasin ang kasalukuyang nutritional framework ng bansa at siguraduhin ang pagsunod sa constitutional mandate ng estado na gawing prayoridad ang kalusugan ng mga senior citizen sa bansa.

Photo credit: Department of Social Welfare and Development Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila