Friday, November 15, 2024

Minaliit? Ngitngit Ni First Lady Hindi Priority Ni VP Sara

192

Minaliit? Ngitngit Ni First Lady Hindi Priority Ni VP Sara

192

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila minaliit ni Vice President Sara Duterte ang ngitngit sa kanya ni First Lady Liza Marcos matapos niyang sabihin na may mas mahahalagang bagay pa na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

“Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit. Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” saad ni Duterte sa kanyang social media.

Paglilinaw pa niya, ang pag-aayos sa isyu na ito ay tatalakayin na lamang nila ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang pribadong usapan para makatutok pa sila sa ibang isyu na dapat solusyunan.

Ayon pa sa bise presidente, dapat mas tutok ang pamahalaan at taumbayan sa mga mas seryosong problema na kinakaharap ng bansa tulad ng supply ng kuryente at tubig, kriminalidad, terorismo, at insurgency sa bansa.

“Dapat ay nakatutok tayo sa pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa. […] Unahin natin ang Pilipinas.”

Ang pahayag na ito Duterte ay matapos isiwalat ng First Lady ang sama ng loob niya sa bise presidente dahil sa pagdalo at mga ikinilos nito sa isang anti-PBBM rally.

Ayon sa First Lady, hindi naging maganda ang asal ng bise presidente sa prayer rally kung saan tinawag na “bangag” ni former president Rodgrigo Duterte si Pangulong Marcos.

“Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung Presidente mong ‘bangag,’ ‘di ba, you’re going to laugh? Tama ba ‘yan? Even Leni [Robredo] never did that,” pahayag ni First Lady Marcos sa interview niya sa “Tune in Kay Tunying.”

Dagdag pa ng First Lady, naging masakit para sa kanya ang ikinilos ng bise presidente dahil sila ay nagpapakita ng walang sawang suporta para sa kanya. “For me, nasaktan ako because my husband will do everything to protect you. You ran together ‘di ba. Sama-sama tayong babangon muli.”

Ang balitang alitan ng dalawa ay nagsimula noong January 2024 kung saan napansin ng taumbayan na nag-iba na ang pakikitungo ng First Lady kay Duterte matapos kontrobersyal na rally sa Davao City.

Photo Credit: Facebook/fl.lizamarcos, Facebook//DepartmentOfEducation.PH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila