Muling ipinaalala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kaniyang itinutulak na pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang mas mapalakas ang kanilang pakikipagkumpitensya at mapanatiling backbone ng ekonomiya ng bansa.
“Marami po sa ating MSMEs ang may abilidad pero walang access sa mas malaking puhunan para mapalago ito,” pahayag niya.Â
Kamakailan lang ay naghain si Villanueva ng Senate Bill No. 138 o ang MSME Stimulus Act, na naglalayong gumawa ng programa para magpaabot ng tulong, at pagtibayin at pangasiwaan ang paglago at pag-unlad ng mga MSME para makalikha ng trabaho sa mga bawat rehiyon ng bansa.Â
Mandato rin ng panukalang ito na magbigay ng wage subsidies ang Department of Finance sa pamamagitan ng Social Security System upang mapunan ang lahat o kahit bahagi ng sahod ng mga kwalipikadong MSMEs na apektado ng emergencies, basta’t sila ay sumusunod sa mga kondisyong nasa batas.
Layunin din ng panukala ang paggawa ng stimulus contingency fund na maaaring gamitin para sa mga job-generating industry na naapektuhan ng sakuna, public health emergencies, armed conflict at iba pang kaugnay na pangyayari.Â
“Anuman pong ayuda sa MSMEs, ay may potensyal na magdala ng doble o higit pang benepisyo para sa ating ekonomiya,” saad ni Villanueva.
Iginiit niya na bunsod ng mga natutunan sa COVID-19 pandemic ay dapat maging maagap ang gobyerno sa pagtulong sa MSMEs upang maging matibay at disaster-proof ang mga ito sa panahon ng krisis.
Sa kabila ng 64.67% na trabahong naibibigay ng mahigit 99.5% na negosyong kabilang sa MSMEs sa bansa, ipinunto ng mambabatas na hindi pa rin sapat ang suporta ng gobyerno para sa mga MSMEs.
Dagdag pa niya, habang tumataas ang employment figures sa bansa ay marami pa ring kailangang gawin para mapaunlad ang sektor ng MSME, na nagsisikap umunlad kahit mag-isa lamang.
“We often refer to MSMEs as the lifeblood of the economy, but we must not forget they need a lifeline, too, to survive and grow,” pagtatapos ni Villanueva.