Saturday, January 11, 2025

Na-Offload Ka Ba? Pamasahe Mo Ibabalik Ng Gobyerno – Rep. Magsino

54

Na-Offload Ka Ba? Pamasahe Mo Ibabalik Ng Gobyerno – Rep. Magsino

54

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iginiit ni Representative Marissa “Del Mar” Magsino ng OFW Party List na ang mga pamasahe ng mga na-offload na Pinoy ng Bureau of Immigration (BI) ay ibabalik ng gobyerno ayon sa probisyong nakasaad sa General Appropriations Act (GAA) of 2024. 

Ang mga guidelines para sa reimbursement na ito ay kasalukuyang tinatapos pa ng BI, Department of Budget and Management, at ng Commission on Audit.

Ang probisyon ng GAA, partikular ang Department of Justice-BI Special Provision No. 1, ay nagbibigay-daan para sa reimbursement ng travel expenses para sa mga Pilipino na hindi pinayagang makalabas ng bansa ng BI kahit walang court order. 

Sa pagpupulong ng Committee on Overseas Workers Affairs noong Pebrero 28, 2024, nilinaw ni Magsino ang isyu ng reimbursement para sa mga na-offload na overseas Filipino workers (OFWs). Binigyang-diin niya na dapat ay malinaw kung sino ang sasagot ng mga gastusin para sa mga lehitimong OFW na na-offload dahil sa mga isyu na may kinalaman sa dokumento.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang pagpapatupad ng probisyon ng GAA, partikular para sa mga OFW na nahaharap sa mga financial burden para lamang sumunod sa mga kinakailangan sa deployment. “The legal basis for the reimbursement has been provided by Congress; the ball is now in the hands of the executive branch, particularly BI, DMW, and COA to finalize the guidelines as soon as possible,” aniya.

Bukod dito, binanggit din ni Magsino ang malaking bilang ng mga indibidwal na na-offload ng BI, na maliit na porsyento lamang ang nakumpirma bilang mga kaso ng human trafficking. Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa pananagutan mula sa mga opisyal ng BI at hinimok silang tapusin kaagad ang guidelines.

“We understand the mandate of the Bureau of Immigration, especially as part of the Inter-Agency Council on Against Trafficking (IACAT), to fairly and reasonably ensure that the documents of departing passengers are in order based on the purpose of their travel,” dagdag ni Magsino. “Naiintindihan natin yan, subalit sa kaso ng ating mga OFWs, may data-sharing ang BI at DMW… Kaya’t dapat lang na kapag ang OFW ay naiwan ng eroplano o kaya’y inoffload dahil sa overly-strict o unreasonable scrutiny ng IO, ang ahensya din ang pagkukuhaan ng reimbursement para sa nasayang na plane ticket at ibang travel expenses.”

Binigyang-diin din ng kinatawan ng OFW Party List ang kanyang mga nakaraang pagsisikap sa deliberasyon ng national budget  noong Setyembre 2022 para isulong ang patas na pagtrato ng BI sa mga OFW.

Photo credit: Facebook/officialbureauofimmigration, House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila