Saturday, January 11, 2025

NA-POLVORON! AI Experts: Viral Video Daw Ni PBBM, Katakot-Takot Ang Manipulasyon

2370

NA-POLVORON! AI Experts: Viral Video Daw Ni PBBM, Katakot-Takot Ang Manipulasyon

2370

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinabaluaanan ng mga artificial intelligence (AI) experts mula sa Deepfakes Analysis Unit (DAU) na lehitimo ang “polvoron” video na kumalat isang araw bago ang pangatlong State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. 

Ayon sa mga AI experts ng DAU, ang video na nagpapakita ng isang lalaki na nasa akto ng paggamit ng illegal na droga ay extensively manipulated para palabasin na ito ay ang Pangulo mismo.

Ang DAU ay parte ng India-based Misinformation Combat Alliance. Ang resulta naman ng DAU ay base sa isang extensive report ng Vera Files, isang independent at award-winning social media unit at isa sa mga leading fact-checkers sa bansa.

Noong September 16, naglabas ng report ang Vera Files Fact Check sa panulat nina Celine Isabelle Samson at Bryan Daniele Manalang na nagsasasabing may nakitang traces ng extensive digital manipulation ang DAU sa “polvoron” video. Ang nasabing video ay ipinadala ng Vera Files sa DAU para ma-verify kung ito ba ay totoo o hindi.

 “Using a tool called SensityAI, DAU found the ‘polvoron video’ to be suspicious and showed signs of a manipulation called ‘face swap,’ saad ng Vera Files sa report nito. 

“Using another tool called HIVE, the international misinformation advocates “found multiple points of manipulation in the video’s run-time and where the ‘no-deepfake’ and the deepfake manipulation overlapped,” dagdag pa ng report. 

Ayon kay Presidential Communications Acting Secretary Cesar Chavez vindicated na ang Pangulo dahil sa nasabing findings ng DAU.

Bago pa man lumabas ang findings ng DAU ay pinabulaanan na ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) ang authenticity ng video at sinabing hindi match ang facial images ng lalaki sa video sa facial features ng Pangulo, particular na ang tragal notch at antitragus o mga parte ng tenga ni Marcos.

Nagbabala naman si Chavez sa mga kumakalat na malicious videos at social media posts na pinapakalap ngayon. “In today’s world of trolls, bots, and deepfake manipulation, it has become easy to throw mud at others,” saad niya.

Dagdag pa ni Chavez mananatiling vigilant ang pamahalaan laban sa mga fake news.  

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila