Sunday, November 24, 2024

Naawa! PBBM, Sinuspinde Ang E-Vehicle Ban Sa Metro Manila Roads

267

Naawa! PBBM, Sinuspinde Ang E-Vehicle Ban Sa Metro Manila Roads

267

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binigyan ni President Bongbong Marcos ng isang buwang palugit ang mga e-vehicle drivers bago tuluyang ipatupad ang ban para sa kanila sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Noong nakaraang buwan, nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang mga iba’t-ibang local government units na bumubuo sa Metro Manila Counsil na tuluyan nang ipagbawal ang mga e-vehicle tulad ng e-trike at e-bike sa mga daan na sakop ng Metro Manila.

Ang Regulation No. 24-022 series of 2024 ay ipinatupad matapos makatanggap ng sari-saring reklamo laban sa mga e-vehicles na ito na diumano ay nakakasagabal sa ibang motorista at nakakapag-dulot lalo ng traffic.

Dagdag pa ng MMDA, ang pagpapatupad ng ban na ito ay para na rin masiguro ang kaligtasan ng mga gumagamit ng mga e-vehicle.

Sa pagpasa ng ordinansa, napagkasunduan na dapat ay maging epektibo ito ng April 15. Ngunit hindi sumang-ayon dito si Marcos dahil nakikita niyang magiging mahirap ito para sa mga e-vehicle owners.

“[N]akakaawa naman talaga at dapat bigyan naman natin sila ng pagkakataon para alam nila kung ano ba ‘yung bagong rules, papaano sila mag adjust,” aniya sa isang short video message tungkol sa nasabing ordinansa.

Dagdag pa ng presidente, mabigat para sa mga may-ari ng e-vehicles ang multa na P2,500 kapag nahuli sila sa mga daan na sakop ng Metro Manila. Saad ni Marcos, naiintindihan niya ang panig ng MMDA at ng LGUs ngunit dapat ay pag-aralan pa ring mabuti ang implementasyon nito.

Dahil dito, sinabi na ng presidente na pansamantalang masusupende ang ban para sa e-vehicles sa Metro Manila roads upang makapagbigay ng sapat na oras sa mga ito na malaman ang mga patakaran sa kalsada.

“Ngayong araw na ito, iniutos ko sa MMDA at sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila na bigyan ng palugit ang mga e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan na dumadaan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila,” aniya.

Sinabi rin ni Marcos na kung makakita man ang MMDA ng e-vehicles sa kalsada ay dapat nilang turuan ang mga ito sa kung ano ang dapat at hindi nila dapat gawin upang hindi makadulot ng traffic o aksidente.

“Kung paparahin man sila, ito ay upang maayos na maituro ang mga kalsadang maari nilang gamitin, pati na ang pagpapaalala ng mga bagong patakaran na ipinatutupad upang paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan,” aniya.

Photo credit: Facebook/BongbongMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila