Wednesday, December 25, 2024

NAGHAHABULAN! Tulfo Bros Pumalo Sa Pinakahuling Survey!

2235

NAGHAHABULAN! Tulfo Bros Pumalo Sa Pinakahuling Survey!

2235

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tulfo Trio sa Senado sa 2025? Posible ayon sa pinakabagong Tangere Senate Survey kung saan lumabas na nangunguna sina Erwin Tulfo at Ben Tulfo, mga kapatid ni Senador Raffy Tulfo.  

Nanguna si Erwin sa survey na may 62.33 percent voter preference, habang si Ben, na biglang umarangkada mula ika-anim na pwesto, ay pumalo sa pangalawang pwesto na may 49 percent Lumabas sa survey na malakas si Ben sa Metro Manila, Mindanao, at Northern Luzon.

Pumapangatlo si dating senador Tito Sotto (46.50 percent), sinundan nina Sen, Pia Cayetano (46.08 percent) at Bong Go (45.50 percent) na humakot ng boto sa Mindanao. Si dating senador Manny Pacquiao naman ay nasa ika-anim na pwesto na may 42.21 percent, malakas sa Visayas at Mindanao.

Nagulat din ang marami sa dating senador Ping Lacson na umakyat mula ika-14 hanggang ikapitong pwesto matapos makakuha ng 8.42 percent dagdag na boto mula sa mga kalalakihang edad 36 pataas sa Calabarzon. Kasunod niya si Makati Mayor Abby Binay (36.17 percent) at dating Interior and Local Government secretary Benhur Abalos (33.42 percent), na malakas sa kabataang botante.

Nasa 10th spot si SAGIP Representative Rodante Marcoleta (31.88 SAGIP ) na suportado ng Mindanao, lalo na sa Davao Region. Tied naman sa ika-11 at ika-12 na pwesto sina Sen. Lito Lapid, Francis Tolentino, at dating senador Bam Aquino, na pare-parehong nasa 31 percent.

Medyo alanganin pa sa rankings sina Sen. Bato dela Rosa (30.67 percent), Imee Marcos (29.63 percent), at dating senador Kiko Pangilinan (28.29 percent), pero si Rep. Camille Villar, na may malaking pag-angat ng 8.46 percent, ay nasa ika-20 pwesto at may potential pang tumaas. 

Ang survey ay isinagawa noong Oktubre 10-12, 2024, sa 2,400 respondents gamit ang mobile app ng Tangere. Kilala ang Tangere sa paggamit ng stratified random sampling na may margin of error na ±1.96 percent, at sinasabi ng non-commissioned survey na ito kung paano maglalaro ang laban sa 2025 Senate race.

Ito ang iba pang pasok sa Top 24:

  1. Gregorio Honasan – 22.38 percent
  2. Philip Salvador – 18.71 percent
  3. Luis “Chavit” Singson – 14.67 percent
  4. Teddy Casiño – 11.50 percent

Photo credit: House of Representatives website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila