Sunday, December 22, 2024

NAGPAPAKILALA ANG KAPNOY N’YO

21

NAGPAPAKILALA ANG KAPNOY N’YO

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Magandang araw mga KapNoy, ito ang inyong KapNoy na si Politikong Tasyo.

What is KapNoy? Ah, kakornihan ko lang po ‘yan, para feeling cool, pagpasensyahan at pagbigyan n’yo na po! KapNoy is short for Kapwa Pinoy.

Ops! ‘wag pong magtampo mga kababaihan, treatment ko po sa Pinoy ay pangkalahatang kasarian na po bilang mga citizens of this great archipelago. 

Muli, ito po si Politikong Tasyo, ang inyong KapNoy. Overjoyed! Galak na galak na mapagbigyang magkaroon ng sariling column dito sa umaaribang Politico.ph. Akalain mo? Isang KapNoy na tulad kong may mababaw na pananaw lamang, maging kolumnista? Columnist para sosyal ang dating at tunog matalino, hehe.

Pasuyo at pakiusap naman mga KapNoy, pa-like at better pa-share naman d’yan ng mga ilalathalang column ko, kahit na mabubuo ko lang ang mga ito base sa aking mababaw na pananaw. Syempre, para ‘di ako sipain dito, like na din ang FB Page nitong Politico.ph. Dalaw-dalawin din ang website nitong Politiko.ph. 

Pipilitin ko pong makadami ng Ingles dito. Hindi ko naman kasi maintindihan kung saan nanggaling ang pananaw na kapag nag-e-english, mayaman at matalino na. 

O, napansin n’yo rin ba? Sa mga pelikula’t mga teleserye natin, kapag ang character ay mayaman o matalino, english spokening dapat. Kapag mahirap at pinalalabas na hindi katalinuhan, Pilipino ang pananalita.

Kapag mali pronunciation o grammar mo, bobo na? Aba, ilang beses kaya nating nadinig ang “VEERUS” noong nakaraang administrasyon. Bobo ba ang paulit-ulit na nagsabi non?

Sosyal – English. Baduy – Tagalog. Edukado – English. Di-edukado – Tagalog. 

Basta magandang karakter, English. Hindi kanais-nais na katauhan – wikang Pinoy. 

Ba’t nga ba itinahi sa “inferiority” ang ating sariling pananalita? Pagtatawanan pa ang punto ng mga dialects.

Buti na lang, itong mga nakaraang taon, napakarami nang mga Kongresista’t Senador ang nagsasalita sa wikang sariling atin. Ayus ‘yan Cong! Ok ‘yan Sen! Mas madaling tayong magkaka-intindihan.

Hindi ko sinasabing hindi natin kayang intindihin o mag-salita ng Ingles. Sa katunayan, tayo yata sa buong Asya ang pinakamagaling na spokening English. Kahit slang, swabeng-swabe! Kaya paborito tayo sa mga BPOs o ‘yung mga call centers.

Ang aking kinabuburyong lamang ay ang paggamit sa wika ng Perlas ng Silangan para ilarawan ang karakter na inferior, pang mahirap, pang ‘di matalino. Tayo pa mismo ang gumagawa nito. Para sa akin, hindi lenggwaheng gamit ang basehan para sa sustansya ng sinasabi. 

Mga KapNoy, asahan ko po ang inyong pagtangkilik at pagsubaybay sa aking kolum. 

Muli, ito po ang inyong lingkod na KapNoy, si Pilosopong Tasyo.

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila